in ,

Rudy Baldwin, Nahulaan ang pagkawala ng Eroplanong Sriwijaya Air sa Indonesia

Naging mainit na balita ngayon ang biglang pagkawala ng eroplanong Sriwijaya Air ilang minuto lang ang makalipas matapos mag take off sa Jakarta, Papunta sana ang eroplano sa Pontianak, Indonesia, bandang 2:36 ng hapon, Sabado, Ika-9 ng Enero, 2021.

Ngunit, Laking gulat din ng mga tao sa isang kumakalat na post sa social media na kung saan makikita na minsan na palang nahulaan ng isang kilalang Psychic na si Rudy Baldwin ang mangyayari sa umananong pagkawala ng dalawang magkaibang eroplano mula sa ibang bansa. Mas lalong naging usap-usapan ng mga tao ang animo’y tumugma ang pagkakalarawan sa nawawalang eroplano ngayon.

Base sa isang larawan, ang vision o prediksyon na ibinahagi ni Baldwin noong Nobyembre ng nakaraang taon sa kanyang Facebook Official Page, sinabi nitong dalawang magkaibang eroplano mula sa ibang bansa ang umano’y maaksidente ng marahil ay dahil sa engine failure.

Bagama’t hindi pa matukoy o wala pang opisyal na pahayag tungkol sa sanhi ng pagkawala ng Sriwijaya Air sa Indonesia, mayroong lumalabas na ulat na umano’y nag crash ang eroplano.

Loading...

Ayon sa ulat, Nawala umano sa radar ang eroplano apat na minuto lamang matapos nitong mag take off para sa isang 90 minute flight sakay ang nasa 56 na mga pasahero at anim na crew ng eroplano.

“Sriwijaya Air Flight #SJ182 lost more than 10.000 feet of altitude in less than one minute, about 4 minutes after departure from Jakart,” Ulat mula sa inilabas na Flightradar24 sa Twitter.

Ang eroplanong ito ay isang Boeing 737-500 na nasa 27 taong gulang na. Patuloy parin ang pagkalap ng mga detalye tungkol sa nawawalang eroplano.

Ngunit, ayon sa ilang mga ulat, mayroon umanong nagtagpuan na mga debri ng eroplano at mga damit ang ilang mga mangingisda mula sa lugar. Kaya naman, hina-hinala ng awtoridad na nag crash ang eroplano ilang minuto lamang matapos nitong magtake off sa Jakarta, Indonesia.

Loading...

Ayon naman sa iba pang karagdagang balita, bagama’t hindi mismo nakita ang pagbagsak ng eroplano, mayroon daw mga mangingisda na nagsabing mayroon silang narinig na pagsabog sa dagat. Tatlong mangingisda mula sa Lancang Island ang nagsabi na nakarinig sila at nakaranas ng biglaang pag taas ng alon sa parehong oras na pinangangambahang pagkawala ng eroplano.

“I heard very loud explosion, I thought it was a bomb or a big thunder. We the saw the big wave, about 2 meters high, hitting our boat,” Pahayag ng isang mangingisda.

Ang Lancang at Laki Island na hilagang kanluran ng Jakarta, Indonesia ay ang lugar na pinaghihinawalaan kung saan nag crash ang nasabing eroplano, ngayon, ay patuloy pa din ang pagsagap ng detalye ukol dito at naganap ang search operation sa lugar.

Loading...

Written by ADMIN

Bea Alonzo sinagot ang tanong ng Nanay nya, ‘Dominic Roque Jojowain o Totropahin?’

Julia Barretto, ibinulgar na ‘TAKEN’ na ngayon ng isang AFAM, si Gerald Anderson nga ba yung tinutukoy?