in

Julia Barretto, ibinulgar na ‘TAKEN’ na ngayon ng isang AFAM, si Gerald Anderson nga ba yung tinutukoy?

Kilala ang Tiktok isang mobile application na patok sa mga tao hindi lang sa mga bata kung di pati na rin sa mga matatanda kung saan nakakapagbigay libang o sabihin na nating pampalipas oras.

Naging usap-usapan sa social media, ang animo’y kinumpirma ng aktres na si Julia Barreto ang kasalukuyang estando ng kanyang lovelife sa pamamagitan ng isang Tiktok Challenge kasama ang ilang mga kaibigan.

Ang nasabing Tiktok Challenge, pipili ang bawat isa sa kanila sa dalawang magkaibang bagay. Ang kanila lang namang pagpipilian ay “Single” o “Taken”, “Pinoy” o “AFAM”, “Older” o “Younger”, at ang huli ay “Funny drunk” o “Emotional Drunk”.

Sa mga tanong na ito ang pinili ni Julia ay “Taken”,”AFAM”,”Older” at “Funny Drunk” Sa di nakakaalam, ang AFAM ay isang foreigner o a foreigner assigned in Manila.

Loading...

Agad naman naging usap-usapan ng netizen ang mga napili ni Julia na umano’y naging hint sa kanila upang ikonekta sa kasalukuyang estado ng lovelife ng aktres. base sa naturang Tiktok Challenge si Julia ay “Taken” sa isang “AFAM” na mas matanda sa kanya.

Agad din nilang inugnay ang mga ito sa aktor na si Gerald Anderson na naging bali-balita na karelasyon ng aktres. Ayon sa iba’t-ibang reaksyon ng netizen, tugmang-tugma sa aktor ang mga napili ni Julia sa ilang mga tanong sa kanilang Tiktok Challenge.

Si Gerald ay 31 taong gulang na at mas matanda ito sa aktres ng walang taon. Hindi rin purong Pilipino si Gerald dahil ang ama nito ay si Amerikano at ang kanyang ina naman ay isang Filipina. Sa katunayan, bilang isang Filipino-American ay nanirahan din ang aktor sa ibang bansa bago ito pumasok sa mundo ng showbiz.

Kaya naman, ang mga detalyeng ito ay nagpalakas lamang sa spekulasyon ng publiko lalo na’t ng kani-kanilang mga tagahanga na mayroon ngang relasyon ang dalawa. Isa lamang to sa mga iba pang pahiwatig ng aktres tungkol sa kasalukuyang karelasyon nito na tugma sa issue tungkol sa aktor na si Gerald.

Loading...

Kumakailan lang, sa nakaraang post ni Julia sa kanyang Instagram kung saan mayroon itong kasamang lalaki sa loob ng kotse. Tanging braso lamang ang kita ng naturang lalaki, kumbinsido ang marami na si Gerald ang kasama ng aktres.

Gayunpaman, taong 2019 nang unang maiugnay ang dalawa sa isa’t isa matapos na magtambal sa isang pelikula. Kontrobersyal ang pagkakaugnay na ito sa dalawa dahil sa kasulukuyang karelasyon pa noon ni Gerlad na si Bea Alonzo.

Loading...

Written by ADMIN

Rudy Baldwin, Nahulaan ang pagkawala ng Eroplanong Sriwijaya Air sa Indonesia

Former live-in partner of Jomari Yllana accuse him of neglecting their children