in

Isang Nobya, Nag-Walk Out Matapos Mabuking Si Boyfriend Sa Eat Bulaga

Nahaluan ng ng tunay na drama ang sana’y isang masayang episode ng “Bawal Judgemental” segment sa Eat Bulaga nitong nagdaang Sabado, November 23.

Ito ay matapos madiskubre ng isang babaeng contestant ang lihim ng kanyang kasalukuyang nobyo live on tv.

 

 

Nag-trending ang pangalang Dexter Belga matapos nitong mapabilang sa pinagpipilian sa ‘Bawal Judgemental’ segment ng “Eat Bulaga” nitong Nobyembre 23.

Guest nitong Sabado ay walang iba kundi ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa naturang segment.

Loading...

 

 

Sa naturang episode, kasama ring naging guest ang mga naging girlfriend ni Dexter pati na ang kasalukuyan niyang nobya.

 

 

Tuluyang na ngang nabuking si Dexter nang matira na lang sa mga contestant ang isa nyang EX-GF na si Rose Ann at ang kasalukuyan nyang nobya na si Danica.

 

 

Nang tanungin ng mga host sila Rose Ann at Danica ang petsa kung kailan nila sinagot si Dexter dito na nga nabunyag na pinagsabay pala ng lalaki ang dalawa.

 

 

Natuklasan kasi Danica na apat na araw matapos na mapasagot ni Dexter si Rose Ann ay naging sila naman nito. Ang masakit pa, imbes na tapusin ang nakaraang relasyon kay Rose Ann ay tumagal pa ito sa loob ng apat na buwan.

Loading...

 

 

Nang tanungin ito ng mga hosts na sina Paolo Ballesteros at Jose Manalo kung ano ang naramdaman nito sa ay bigla na lamang itong napa-walk out.

 

 

Nag-walkout sa show si Danica na kasalukuyang girfriend ni Dexter dahil on national TV ay nalaman niyang may isinabay sa kanya ang BF.

 

 

Sinubukan pa ni Jose Manalo habulin ang contestant nang pumunta ito sa back stage. Binigyan na lamang nila ang dalawa ng pagkakataon para makapag-usap.

 

 

Kahit si Maricel Soriano ang maging sina Vic Sotto at Joey De Leon ay nagulat din sa di rin inaasahang nangyari.

 

 

Ayon sa sumunod na panayam sa dalawa, nagkaayos din naman si Dexter at Danica. Ayon sa lalaki, nagbago na siya at ang nobya na lamang ang kanyang nag-iisang mahal.

 

Ipinangako rin ni Dexter sa nobya na hindi na ito gagawa pa ng ikagagalit nya. Ibinahagi rin ng dalawa kung paano sila nagkakilala at nagsimula ang relasyon.

 

 

Hindi naman maisawang mabuwisit ng ilang netizen kay Dexter dahil ang lakas daw ng loob nito na magsabay-sabay ng karelasyon na akala mo ay gwapo.

Loading...

Written by AdmiN

Isang lalaki, napilitang manirahan sa ilalim ng malaking bato, kinahabagan ng mga netizens

Lyca Gyranod became emotional after revisiting their old house.