in ,

Isang OFW sa Saudi, jackpot sa amo, naisamang lumibot sa iba’t ibang bansa

 

Maituturing na bagong bayani ang ating mga OFW o Overseas Filipino Workers dahil sa pakikipag sapalaran sa ibang bansa upang mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang pamilya.

 

 

Ngunit, hindi lahat ay masaya dahil karamihan sa mga OFW ay nakakaranas ng maling pagtatrato ng kanilang amo at yung iba naman ay talagang mapalad.

 

 

Katulad na lamang nitong isang OFW na Che Borres, sa kanyang kwento sinabi niya kung gaano siya kaswerta sa kanyang amo na naisasama siya sa iba’t ibang bansa.

 

 

Aniya, laking pasasalamat niya sa kanyang amo dahil sa kabila ng pangungulila sa mahal sa buhay na nasa Pilipinas ay nababawasan ang lungkot dahil sa kabutihang taglay ng kanyang amo sa kanya.

Loading...

 

 

“Dati nilalaro lang namin ang “London Bridge” noong elementary days pa, di ko akalain na akin pala itong maapakan at mapupuntahan. Ang larong iyon ay naging totoo, nakita ko kung paano mahati ang tulay.

Isa lang naman ang gusto ko noong umalis sa ating bayan, ang magkaroon ng mabuting amo. Pero sobra ang ibinigay sa akin, isang mabait na amo na kaya akong dalhin sa lugar na akala ko sa libro at sa social media ko lang makikita.

Naapakan, kumain, doon nakatulog at nalibot ang limang cities nang Germany, nakatulog sa Amsterdam, kumain sa Dubai at natulog sa Bahrain.

Saudi lang ang nasa kontrata ko pero halos nalilibot ko na ang buong mundo. Kaya sa mga nagsabi na tampalasan ang mga Arabo, nope! ‘Wag lahatin kasi ako saksi ako mismo. Gaya din sila sa ating mga Pilipino,may salbahi. Kung ikaw may mabait na amo, swerte ka talaga at mahalin mo sila na parang pamilya mo dahil swertehan lang tayong mga nag-aabroad. Salamat po!”

Loading...

 

 

Kaya naman hiling ng ibang OFW na maging aral ito sa ibang tao dahil ang pagmamahal at kabutihan kapwa ay hind matutumbasan ng salapi.

Loading...

Written by AdmiN

Isang dalaga, kinulong ng kaanak ng walang anumang gamit, sako ang ginawang damit, hinihingi ng tulong ng isang concerned citizen

Isang lalaki, napilitang manirahan sa ilalim ng malaking bato, kinahabagan ng mga netizens