in ,

Isang dalaga, kinulong ng kaanak ng walang anumang gamit, sako ang ginawang damit, hinihingi ng tulong ng isang concerned citizen

 

Tanging hiling ng isang netizen na nag ngangalang Gi Gi na matulong ang 29 anyos na babae sa kanyang kalagayan dahil sako lamang ang suot na damit matapos makuhaan ng mga litatro mula sa kanyang kulungan.

 

 

Sa pagbabahagi sa naturang post ni Gi Gi, ang babaeng nakakulong ay nakilala bilang si alyas “Bebe”, pangalawa sa limang makakapatid si Bebe na nagmula sa Brgy. Maquiling Sagay City, Negros Occidental. Ayon sa bali-balita wala raw sa matinong pag-iisip ang babae mula pa noong taong 2009, na resulta ng Nervous Breakdown.

 

 

Ayon sa pamilya napatignan naman raw sa mga experto at nagamot na noong taong 2014 sa isang mental health facility. Ngunit sa masamang palad nagkasakit umano ang kanilang ama at dahil na rin sa pang araw-araw na gastos ay hindi na nila kinaya ang pagtuloy ng gamutin ni Bebe.

 

 

Sa kalagayan ni Bebe mayroon na rin daw mga kaso nag paghahalusinasyon nito at umaabot sa puntong nakakasakit na rin, Kung minsan lagi rin daw itong umaalis ng bahay at kung saan-saan pumupunta, kung minsan pa ay lumalayo na sa kanilang lugar.

Loading...

 

 

Kaya naman upang maging mas ligtas si Bebe, napagpasyahan na lamang ng pamilya ni Bebe na ikulong na lamang siya. Masakit man para sa kanyang pamilya na humantong pa sa ganitong pangyayari mas minabuti na rin na pamilya ang ganitong pamamaraan upang mas maging ligtas ang kanilang kapatid dahil kung hahayaan nila ito maraming masama ang pwedeng mangyari.

Saad naman ni Gi Gi sa kanyang Facebook post, hindi raw nagmomodel-model-an lang si Bebe at sinabi din nitong hindi naman pinapabayaan ng pamilya ang kalagayan ni Bebe.

 

 

Sa paglilinaw, kaya sako lamang ang kanyang saplot sa katawan ay dahil nginangatngat at pinupunit lang ni Bebe ang kanyang mga damit at pagkatapos daw nila itong kuhaan ng litrato, tyaka pa lamang napaliguan at nadamitan ng maayos si Bebe. Napagalaman din na ang munting kulungan ni Bebe ay tabi lamang ng bahay ng pamilya.

Loading...

Written by AdmiN

Pulis na suspek sa kaso ng mag-ina sa Tarlac sumagot ng not guilty plea sa kaso

Isang OFW sa Saudi, jackpot sa amo, naisamang lumibot sa iba’t ibang bansa