in ,

Her husband left her for another girl, but this Pinay OFW’s revenge was surprising

Marami sa ating mga kababayang Pilipino ang nagsasakripisyo sa ibang bansa para makipag sapalaran upang  maipakain at mabigyan ng maayos na buhay ang kanilang mga pamilya.

Hindi madali ang buhay ng isang OFW. Homesick? pagod? puyat? Ilan lang ang mga yan sa kanilang napagdadaanan na hindi alam ng kanilang mga pamilya. Isama mo na din ang ibang pag uugali ng mga banyagang amo, iba ang kultura kaya iba ang paniniwala.

Pero tinitiis at mas pinipili nila ito dahil mas malaki nga naman ang kinikita nila kesa sa trabaho nila kung nasa Pinas sila.

Gaya na lamang ng kwento ng isang Pinay OFW na si Michelle Valenzuela. Sa pagbabahagi ni Michelle ng kanyang buhay, maraming netizen ang namangha sa kanyang kwento.

Agad namang naging viral sa social media ang inspiring na pinagdaanan nito.

Loading...

Ibinahagi niya ang kanyang larawan noong nasa Pinas pa siya at ang kasalukuyang itusra nito ngayon. Ito ay kinagulat ng maraming netizen dahil halos hindi na siya makilala sa kanyang lumang picture.

Kwento niya, hindi siya nagaayos noon ng kanyang sarili dahil may anim na siyang anak at may ipinagbubuntis pa noon.

Pasan niya lahat ang pag aalaga at pagaasikaso sa kanilang anim na anak. Ayon sa kanya, naging mabigat para sa kanya ang responsibilidad dahil ang kanyang asawa ay walang ginawa kundi uminom at magsugal buong araw.

Ayon pa kay Michelle, sinasaktan at binubugbog din siya ng kanyang mister at ang malala pa ay nagdadala pa ito ng babae sa kanilang bahay.

Loading...

Kalaunan, pinalayas siya ng kanyang mister kaya umuwi na lamang sila ng mga anak niya sa kanyang nanay.

Lumipas ang ilang buwan, ay nagpasya si Michelle na hanapin ang swerte niya sa ibang bansa para sa kanyang anim na anak. Mabigat man sa kalooban, ay ginawa niya ito.

Noong una ay hindi siya sinuwerte sa kanyang naging amo dahil sa hindi magandang ang pagtrato nito sa kanya. Ngunit tila nagiba ang ihip ng hangin nang sa wakas ay makita sa ang sipag at tiyaga sa trabaho.

Naging maayos ang buhay nilang mag iina. Maging si Michelle ay naka move on narin at  naibalik ang kumpyansa sa sarili na noo’y nawala.

Sa ngayon, hindi lang buhay ang nabago kay Michelle maging ang kanyang anyo. Makikitang nawala ang ang bigat at sama ng loob sa kanya.

Nagkaroon na siya ng oras para maalagaan din ang sarili na noo’y di niya magawa.

Makalipas ang ilang buwan, nabalitaan na lamang ng single mom ngayon na si Michelle na hiwalay na ang kanyang mister sa kanyang kabit.

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens:

Tunay ngang, ang mga sakit at hirap na naranasan natin noon ay mapapalitan ng ngiti at magaan na pamumuhay. Kung magiging matapang lang tayo at desididong baguhin ang ating buhay gaya ni Michelle.

Siguradong maraming makaka-relate sa kwento ng single mom na ito.

 

 

Loading...

Written by ADMIN

Child wonder Xia Vigor is set to inherit 14 houses from her father in England

James Reid an Nadine Lustre’s comeback confirmed! Living again under in one roof