in ,

Kahabag-habag na tindero ng mani, halos maglupasay matapos holdapin ang maliit na kinita sa mismong araw ng Pasko

Sa hirap ng buhay ngayon, lahat tayo ay gagawin ang lahat kumita lang ng pera para sa ating mga pamilya.

Kahit gaano man kahirap, lahat ay isasakripisyo magkaroon lang ng marangal na hanap buhay. Pero sabi nga ng marami, ang kahirapan din ang kadalasang dahilan upang ang ilan ay gumawa ng mga hindi kanais-nais sa kapwa.

Isang Facebook post ang agad na nagviral kung saan ibinahagi ng isang netizen na si Ariel Flores Campado ang isang halimbawa ng kasabihang ito. Ang nasabing post ay kasalukuyan nang umani ng mahigit sa 27K reactions, 6K comments at 16K shares.

Makikita sa larawan ang nakakahabag na karanasan ng isang tindero, bagamat hindi inahayag sa post kung ano ang punot dulong pangyayari. Makikita sa mukha ng tindero ang labis lungkot at dismaya sa natangay niyang kinita.

Loading...

Ayon sa post, hinoldap ang tindero ng mani at tinangay ang lahat ng kanyang kinita buong araw. Hindi man ganon kalaki ang kanyang kinita, pagod at pawis ang siya namang ipinuhunan may maiuwi lang na pera sa kanyang pamilya.

Nakakalungkot isipin na sa panahon na ipinagdiriwang ang Pasko ngayong buwan ay sadyang may mga tao pa rin talagang mapanlamang sa kapwa.

Hiling ng tindero na maibalik ang kanyang kinita dahil ang mga perang ito ay gagamitin sa pang tustos sa pangangailangan ng kanyang pamilya lalo na’t sa pag diriwang ng mga mahahalagang araw para sa kanila.

Loading...

Written by ADMIN

Meet Andrea Brillantes’s equally gorgeous sister Kayla Aan

Isang taon ng hindi nakakabayad sa UTANG, babae pinakulam ng pinagkakautangan