in ,

San aabot ang 2k mo? Mag-asawa nagsimula lamang sa maliit na kapital, ngayon kumikita na ng 2M

Sa pagsisimula sa isang negosyo ay hindi mo masasabi kung kailan ka se-swertehen o dadating sa putong hindi papalarin ang iyong sinimulan.

Pero katulad nitong nag viral sa social media, isang mag asawang nagawang palaguin ang kanilang 2,000Php at ngayon kumikita na sila ng mahigit kumulang 2 million peso. Kaya naman ang kanilang kwento ay talagang hinangaan ng maraming tao at nagbigay inspirasyon sa financial literacy na CFO Peso sense.

Hindi direktang sinabi ng mag asawa kung paano nila ito nagawa, pero sa pag babahagi ng mag asawa sinabi nito na nagsimula ang kanilang negosyo limang taon na ang nakalipas. Dagdag pa nila na umutang pa sila ng 5,000Php sa tatay ng babae.

Sa kanilang panimula sa negosyo naisipan daw ng mag asawa na mag benta ng iba’t ibang mga kagamitan at RTW na binibili pa ng tatay ng babae sa Manila.

Loading...

Sa hirap at sakripisyon sa negosyo ay bumabyahe pa sila mula Manila para bilhin ang mga kagamitan ng kanilang ibebenta gamit lamang ang pampribadong motorsiklo. Init, ulan o anong mang panahon ay kanilang tiniis makuha lang mga gamit sa Manila lalo na’t naka motorsiklo lamang sila.

Pangarap lamang nila noon na magkaroon ng sasakyan sa hinaharap upang mas mapadali at mas ligtas ang kanilang transportasyon sa pagbili at pagkuha ng mga stocks na kanilang ibinebenta.

Kasabay ng pagod at stress sa trabaho, isang malungkot na pangyayari ang sumubok sa mag asawa matapos mawala ang sanggol na dala dala ng kaniyang asawa dahil sa matinding pagod sa pagtatrabaho. Ngunit malungkot man ang kanilang sinapit ipinagpatuloy pa rin nila ang pagnenegosyo.

Ang dating nagbebenta ng RTWs sinubukan din nilang mag benta ng mga cellphone. Lumipas ang ilang buwan nakaipon ng sapat ang mag asawa hanggang sa makapag patayo ng cellphone shop.

Loading...

Sa pagsusumikap, Unti-unting lumago ang kanilang negosyo. Kaya naman labis nalang ang kanilang saya sa tuwing makakabenta sila ng isa o dalawang cellphone sa isang araw, kung minsan pa nga kung su-swertihin lima o higit pa. Nang sila ay muling biniyayaan ng anak nagpasya ang lalaki na umalis na sa kaniyang trabaho upang mas pagtuunan ng pansin ang kanilang negosyo.

Matagal man ang proseso ng paglago ng kanilang kita, ito ay nagpatuloy pa din. Ngunit matapos kumalat sa bansa ang pandemya dulot ng C0v!d-19 naapektuhan ang kanilang negosyo. Nang dahil sa desiyon ng Department of Education (DepEd) na ipatupad ang distance learning sa bansa, tumaas ang konsyumo ng pangangailangan ng mga smartphones at tablets.

Di kalaunan nakabenta ng daan-daang smartphones ang magasawa sa loob lamang ng isang araw.. Sila ay kumita din ng malaki kumpara sa dating kinikita natupad din ang pangarap nilang magasawa na makabili ng sasakyan at nabigyan din nila ang kanilang tatay ng mahigit 700,000php bilang parte sa kinita mula sa pera na pinapahiram niya sa kanila noong sila ay nagsisimula pa lamang.

Kwento pa ng mag asawa na nakapag ipon na din sila ng sapat na pera para bumili ng isa pang lote sa taong 2021. Nakakamangha isipin na sa panahong taghirap ang lahat ay nananatili silang may kinikita. Kaya naman maraming tao ang humanga sa mag asawa dahil sa takot laban sa pandemya tila nabagsakan sila ng swerte at napalago nila ang kanilang negosyo.

Loading...

Written by ADMIN

Excited pa namang ipinadala ng OFW ang balikbayan box sa Pinas, nadismaya na lang sa sinapit ng makarating ito sa kanyang pamilya

Daughter of a teacher shares Photo of Her Dad Completing Students Grade Before he bids his goodbye