in

Isang dalaga, nagbigay babala kung bakit hindi dapat matulog ng basa pa ang mga buhok

 

Kapag ang tao ay nagkaroon ng sakit na Bell’s Palsy ang isang parte ng kanilang muka ay tumatabingi dahil sa panghihina ng mga kalamnan nito. Napag alaman na ang cranial nerve
VII na siyang sumusuporta sa kalamanan ng ating muka ay ito ang madalas na tamaan ng pamamaga.

Ang mga taong mayroong Bell’s Palsy ay nakakaramdam ng pananakit ng tenga, maaring humina ang pandinig, nawawalan ng panglasas sa pagkain at maaring magkaroon ng paralysis ang kanilang facial muscles.
Ang pag galawa naman ng ating eyelids,pagkisap at pagkukurap ng mata ay maaring ding sanhi ng pagkakaparalisa ng facial muscles. Maari din magkaron ng hindi mapigilang pagsara ng bibig at pagngiti.

 

 

Sa matagal ng panahon, hindi pa rin matukoy ang sanhi ng pagkakaroon ng Bell’s Palsy. Ngunit sa paniniwala ng mga experto ito ay dulot ng herpes simplex v!rus

Nagkakaroon ng Bell’s Palsy ang isang tao kapag ang kanyang cranial nerve VII ay tinamaan, Ngunit, may iilan namang nagsasabi na dahil ito sa maaring sanhi ng sobrang pagiisip sa gabi, exposure sa lamig at marami pang iba.

Loading...

 

 

Katulad na lamang ng isang netizen na si Pamela Rollo na nag kwento ng kanyang karanasan sa pagkakaroon ng Bell’s Palsy. Aniya ito ay nagsimula sa pagiging hindi natural na pagluha ng kanyang mata, pagbaba ng kanyang potassium at dugo sa katawan.

Sa post ni Pamela,

“Nagsimula sa pagbaba ng dugo at pagbaba ng potassium ng katawan. Hanggang sa hindi na natural na pagluluha ng mata at hindi paggalaw ng kanang bahagi ng labi, hindi pag-pikit ng kanang mata, hindi pag-galaw ng kanang kilay at pagtabingi ng kanang pisngi.”

Sa dagdag na kwento niya, ang pagtulog ng basa ang kanyang buhok ay isa sa mga dahilan kung bakit siya nagkaroon ng ganitong klaseng sakit. Hinala din nito na nakadagdag ang pagpupuyat, madalas na pagkain sa mga fast food chain, nakatutok sa aircon o electric fan habang natutulog,stress, at ang madalas na pag inom ng milk tea.

Loading...

 

 

“Kaya kung stress ka, sis paki-usap matulog kana. Tanghalian at hapunan fast food? Sis, umuwi kana sa bahay kana kumain. MILK TEA, yes you read right, naadik ako sa Cream Cheese, oreo, love potion, pearl milk tea at GOLDEN SUN. PUYAT? Tumaas nga rank ko sa mobile legends tumabingi naman yung pisngi ko. Nakakatamad na magpatuyo ng buhok bago matulog, I suggest, WAG KANA MALIGO. Nakatutok sa fan, hays! Paikutin mo nalang, kesa mahipan ng masamang hangin. Tumabingi din tulad sakin. Tandaan, HINDI KA MAYAMAN.”

 

 

Ngayon, si Pamela ay sumasailalim sa therapy at pag inom ng Vitamin B para sa agarang pag galing sa kanyang sakit.

Loading...

Written by AdmiN

Son of a sewer topnotch the Physician Licensure Examination twice!

Eroplano, biglang naglaho sa himpapawide noon, misteryosong lumapag matapos ang 37 years