in ,

Jollibee Crew Napaiyak Matapos Mapulot ang Naiwang Tisyu ng Isang Customer

Naalala mo pa ba yung panahong ikaw ay nasa murang edad pa lamang, pagkagaling sa gala, pagkatapos magsimba o aalis kasama ang buong pamilya ay hindi nakakalimutan dumaretyo sa paboritong fastfood restaurant na ang Jollibee.

Siguro naman lahat tayo may mga alala sa kainan na ito malungkot man, masaya o sabihin na nating talagang paborito natin dito.

Dahil sa paglipas ng panahon ay nananatili pa ding makasaysayang ang kainan na ito sa mapabata man o matanda.

Talaga namang “Bida ang saya” sa Jollibee ngunit sa malungkot na pangyayari isang customer ang nagiwan ng mensahe na nakasulat sa tissue paper at inabot ito sa isang staff ng Jollibee.

Loading...

Noon lamang nakaraang buwan, nakaramdam ng bigat sa dibdib ang mga Jollibee crew sa Taguig City maging ang mga nakakita ay naantig ang mga puso dahil sa malungkot na mensahe ng babaeng customer.

Agad namang ibinahagi ni Mark Noguera na isang staff sa Jollibee ang mensahe ng babae, Pinost ni
Mark sa kanyang social media account ang larawan kuha ang isang tissue paper na may mensaheng nakalagay.

Pahayag ni Mark, isang dalagang babae na edad nasa 20 ang umupo sa isang bakanteng table upang kumain bandang alas tres ng hapon sa Jollibee Signal Village Branch sa Taguig.

Pagkatapos kumain ng dalaga, agad naman itong pinuntahan ng isang crew upang linisin ang table para sa mga susunod pang customer. ngunit habang ito ay naglilinis tila napansin nito ang tissue paper na may nakasulat ng mensahe ay pumukaw sa kanyang atensyon at damdamin.

Loading...

Mensahe ng dalaga sa Jollibee:

“Huling Jollibee ko na to :). Pinagbawalan na akong kumain ng unhealthy foods ng doctor ko. Na-diagnosed kasi ako ng C–R Stage 2 sana gumaling agad ako para di ko masyadong mamiss ang pagkain dito. Thank you Jollibee sa uulitin :)”

Matapos mabasa ni Mark at ng mga katrabaho ang mensahe, nagbigay ito sa kanila ng kirot sa dibdiba dala ng lungkot at awa sa babaeng customer.

Ayon naman sa caption ni Mark sa kanyang post:

“To ate customer na nakasalamin na nasa 20+ pa lang yung age at kumain kanina sa Jollibee Signal Village around 3pm kanina, I recognize your face kasi ako po yung nagserve ng pagkain nyo, lahat po ng sakit gumagaling pray lang po tayo ng pray kay God kasi siya yung Great Healer of all. Malalagpasan niyo po yan at gagaling kayo claim it po. On behalf of my JBSV family, ipapanalangin po namin ang agaran niyong pag galing and we wanna give you warm hugs if possible.”

Loading...

Written by ADMIN

TINGNAN: Isang sanggol ang isinilang sa kasagsagan ng mataas na pagbaha sa Barangay Bagay, Tuguegarao, Cagayan

Meryll Soriano Tila Nadulas at Nabunyag ang Totoong Halaga ng Kayaman meron ang Amang si Willie Revillame