in ,

Kumpara sa baha sa Marikina, malinis na tubig baha sa Pakil Laguna, naging usap usapan sa socmed

Hindi lang ang Marikina City at ang mga kalapit na lugar ang iniwanan ng bagyong Uylsses ng matinding baha dahil sa malakas na dala nitong ulan at hangin kahapon, November 12.

Ganun din ang pag baha ng ilang lugar sa Laguna.

Ngunit, ang baha sa Pakil, Laguna ay nag bigay na atensyon sa mga netizens matapos makita na ang baha ay malinis na para bang kulay asul imbis na kulay putik dahil sa mga inaanod na kalat sa lugar.

Agad namang sumagot si Pakil Mayor Vince Soriano ukol sa pangyayaring ito na tila phenomenon ang pagbaha sa lugar ng kanyang nasasakupan.

Loading...

Pahayag nito sa kanyang official Facebook page, tungkol malinaw at malinis na tubig mula sa baha sa Pakil, Laguna.

“Ang dami pong nagmemensahe at nagtatanong sa akin ukol sa mga larawan pong ito na posts ng aming kababayang si Ms. Lorraine Antazo, kaya minarapat ko na rin pong mag-post dito sa aking page ukol rito.

“Sa mga nagtatanong kung saan po ito sa Pakil, kuha po ang mga larawang ito sa Malaking Ilog na sakop ng Barangay Burgos sa Poblacion.

“Para po sa kabatiran ng lahat, ang ilog pong ito ay natural na malinis dahil ang tubig na dumadaloy dito ay nanggagaling direkta sa Turumba Spring Resort. Deklaradong Fish Sanctuary rin po ito ng aming bayan.

Loading...

“Noong humupa ang Bagyong Ulysses kahapon, iyan po ang kinalabasan ng baha sa nasabing lugar.

“Salamat Ms. Lorraine at ang posts mong ito ng bahang normal nang nararanasan ng mga taga-Barangay Burgos ay nagbigay ng mga ngiti sa maraming mga Pilipino.”

Paalala ni Mayor Soriano para sa kanyang mga kababayan, na pwedeng kunin o bingwitin ang mga isdang nakalawa mula sa fish sanctuary ng Pakil.

Kilala ang nasabing lungsod bilang tahanan ng mga mapaghimalang santo, kasama na dito ang Nuestra Señora delos Dolores de Turumba.

Matatagpuan naman sa likod ng Saint Peter of Alcantara Parish ang bukal ng Turumba na naging usap-usapan ng mga taga doon na ang pagligo sa bukal ay may kakayahang makapag pagaling ng masamang karamdaman.

Isa din ang Saint Peter of Alcantara Parish sa maraming simbahan na kung saan ginagamit sa mga shooting ng pelikula at mga teleserye katulad ng Juan Dela Cruz ng ABS-CBN.

Loading...

Written by ADMIN

Isang sikat na KPOP star, papasukin na ang Philippine Showbizness

Pagkatapos ni Ulysses, mga taga Batangas nangamba naman sa naramdaman pagyanig at nakakatakot na dagundong