in

Isang sikat na KPOP star, papasukin na ang Philippine Showbizness

Tila magkakaroon ng Filipino version ang “Lovely,” ang kilalang hit song ni Minzy.

Kilala si Minzy na isang Korean South singer na dating miyembro ng popular group na 2NE1, kung saan kabilang din ang kilalang singer na si Sandara Park.

Sinabing sa November 20 ang release sa iba’t ibang digital streaming platforms ang Tagalog version ng “Lovely” na si Minzy mismo ang kumanta para sa kanyang pagsisimula ng solo career na gagawin sa Pilipinas.

Nakikila bilang isang multi-platinum South Korean artist at global K-pop sensation si Minzy.

Loading...

Nagsimula ang pagkilala kay Minzy ng mga tao matapos nitong maging miyembro ng group na 2NE1, isang world-renown all girl group na may malakas na impluwensya sa Pinoy fans.

Dahil sa kanyang talento, Si Minzy ay ang naging main singer at rapper ng 2NE1.

Kung babalikan umalis ng grupo si Minzy noong 2016.

Ngunit makalipas ang isang taon, nagsimula ito ng solo career na naging number 2 sa billboard world albums chart ang kanyang kanta na “Uno”.

Loading...

Binansagan din itong Queen of Dance sa South Korea dahil sa kanyang malakas na hatak sa tao at galing sa pagsasayaw.

Kaya naman ang plano ni Minzy ay muling bumista sa Pilipinas, ngunit hindi ito natuloy dahil sa pademya na dulot ng c0v!d-!9.

Pero hindi ang pandemya ang hahadlang sa mga plano ni Minzy sa kanyang career, dahilan na ang pagpatuloy ng showbiz career ni Minzy ay hahawakan ng Viva Artist Agency kasama ang Open Door Artist management at MZ Entertainment.

Sa paniniwala ng executives ng Viva, Open Door, at MZ Entertainment na magkakaroon ng excitement ang pagiging brand ambassador si Minzy dahil sa angking talento at background nito.

At hindi rin maitatanggi na malaki ang posibilidad na magkaroon ng sariling programa sa Viva Films, ang sister company ng Viva Artist Agency si Minzy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MINZY (@_minzy_mz)

Nang dahil sa naudlot na pagbisita ni Minzy sa ating bansa, magkakaroon na lamang ng isang virtual conference sa susunod na linggo na ibabahagi nito ang mga plano para sa kanyang showbiz career sa Pilipinas, kasama ang mensaheng pasasalamat sa kanyang mga Filipino fans.

Loading...

Written by ADMIN

Delubyo levels’ : Vice Ganda, Ion Perez at iba pang kasama, nakaranas ng matinding hagupit ni Ulysses habang nasa Balesin Island

Kumpara sa baha sa Marikina, malinis na tubig baha sa Pakil Laguna, naging usap usapan sa socmed