in ,

Factory Worker Pinagtatawanan dahil sa Ulam nito palagi araw araw

Sa lawak ng mundo na ating ginagalawan, marahil karamihan sa tao ay nananatiling mapanghusga sa mga bagay na nakikita nila sa ibang tao na. ganitong ang klase ng taong takot husgahan ang kamalian sa sarili kaya naman sa kanilang kapwa na lamang nila ibinubuhos ang masasakit na salita.

Katulad na lamang ng isang hard working person na si Raul na kung saan nakatanggap ng panghuhusga at pamamaliit ng ibang tao na ang dahilan lamang ay ang kanyang ulam na tuyo at ilog.

Si Raul ay isang factory worker. Mahigit walong taon na din siyang nagtatrabaho sa planta. Ika nga ni Raul palagi siyang tinutukso at hinuhusgahan na kanyang mga katrabaho dahil sa araw araw nitong pag ulam ng itlog at tuyo.

Kahit dumating ang araw ng sahod ay nananatiling itlog at tuyo ang kanyang kinakain.

Loading...

Dahil sa hirap ng buhay sa tuwing siya ay tinutukso o pinagtatawanan ng mga katrabaho tanging ngiti lamang ni Raul ang depensa sa mga masasakit na salitang kanyang naririnig, kahit na masakit para sa kanya ay tinatanggap na lamang niya

Kung tutuusin kaya ni Raul bumili ng mga mamahaling pagkain o mga bagay na meron ang ibang tayon ngunit sa hirap ng buhay at daming bayarin pinipili na lamang nito magtipid.

Dahil sa responsibilidad ni Raul sa buhay mas pinipili na lamang nito mag tipid kaysa gumastos, minsan rin inaaya si Raul ng mga katrabaho na maginom ngunit laging tumatanggi sa mga ito.

Simula noon, unti unti na ding iniiwasan si Raul ng kanyang mga katrabaho hanggang sa umabot na hindi na rin ito inaaya sa ano mang good time. Masakit para kay Raul na sa loob ng walong taon ay ni isa wala siyang naging kaibigan madalas pa nga na naririnig nya na pinaguusapan sya ng mga katrabaho.

Loading...

Dumating pa nga sa puntong habang sila ay naghahapunan sa canteen ay muli itong tinukso dahil ang baon ni Raul ay itlog at tuyo padin, habang sila ay naghahapunan nilapitan ito ng kanilang Team Leader (TL) ba si Reah at tinanong na kung bakit palaging tuyo at itlog ulit ang kanyang ulam.

Nahiya man siya sabihin ang dahilan ngunit mas pinili sabihin ni Raul ang katotohanan na siya ay nagtitipid dahil marami ang bayarin sa kanilang bahay.

Nang dahil sa pagsita ng kanyang Team Leader muli siyang pinagtinginan at tinukso. Lumipas ang ilang minuto muli siyang sinabihan ng kanyang team leader na pagkatapos kumain ay maghugas ng kamay dahil baka ang amoy ng kanyang ulam ay makaapekto sa mga produkto na kanilang ginagawa.

Nag patuloy ang pangungutya ni Reah at nang iba pang kasamahan kay Raul kahit ito ay tapos na kumain.

Makalipas ang mga araw, napansin ni Reah na hindi na pumapasok sa trabaho si Raul simula ng napagsabihan nya ito.

Isang araw, pinatawag ang lahat ng tean leader ng head manager upang ianunsyo sa kanila ang magkakaroon ng bagong supervisor at madedestino ang bagong super visor sa departamento ni Reah.

Ilang minuto ang lumipas, may isang lalaki ang pumasok na simple ang suot ngunit makikita na ito ay mamahalin, nagulat ang lahat na ang lalaking bagong supervisor ay si Raul na dating pinagtatawanan at kinutkuya ay ngayon mataas ng ang posisyon.

Nangamba si Reah at ang iba pang trabahador dahil sa kanilang trato kay Raul noon, kaya naman humingi ang mga ito ng paumanhin sa inasal noon kay Raul

Ngunit, imbis na magalit ngumiti na lamang si Raul sa kanila at sinabi na maging aral na lamang sa lahat ang mga nangyari lalo na sa Team leader na si Reah na huwag agad husgahan ang isang tao sa panlabas nitong katangian.

Si Raul pala ay isang working student na kung saan siya ay nag aaral sa umaga at nagtatrabaho sa gabi upang matugunan ang pangangailangan sa pag aaral.

Nang ipakilala ang bagong super visor na si Raul sa kanyang mga katrabaho nagulat at hindi makapaniwala sa nalaman na ang dating simpleng tao na kanilang minamaliit dahil sa palaging tuyo at itlog ang ulam ay ngayon isa ng bagong supervisor.

Nakaramdam ng sobrang hiya ang mga ito dahil sa masamang ugali pinakita nila kay Raul.

Sapagkat, ang tanging sinabi na lamang ni Raul ay huwag husgahan ang kapwa ng hindi alam ang nakatagong kwento sa likod ng buhay ng isang tao

Kaya naman naging aral ito sa iba, na ang buhay ng isang tao ay dumadating sa puntong nahihirapan ngunit walang imposible sa taong may pangarap sa buhay.

Loading...

Written by ADMIN

Kris Aquino and family on CÒvíd scare, after her driver tested positive

Super Tekla and Donita Nose receive 20K worth of grocery for free