in ,

Sampaguita girl nagviral ngayon sa social media dahil sa taglay na kagandahan.

Mainit na usap-usapan ngayon sa social media ang isang batang nagtitinda ng sampaguita sa lansangan dahil sa taglay nitong kagandahan.

Sa Facebook Post ng Netizen na si Honey RJ Balasabas ay nagbahagi sya ng kanyang na encounter sa kalsada habang sila ay nagmamaneho.

Makikita sa larawan ang mala-artistang kagandahan ng nagtitinda ng sampaguita sa lansangan.

Sa mga larawang ibinahagi ni Honey Rj makikita ang mala artistang kagandahan ng bata.

Loading...

Narito ang kwento ni Honey sa kanyang post.

“Habang naka stop kami and ako napaka busy naman kaka FACEBOOK, bigla nagsalita asawa ko.

ONNIE: Nay, tingin ka dali. Napaka ganda ng batang yan. Yung papalapit.

Medyo naintriga ako kasi si Onnie napaka dalang magsabi ng maganda. Ako lang ata maganda for him and si Angel Locsin pala. Kami lang dalawa. 🤣😆

Loading...

Pag tingin ko hindi ko sya maaninag masyado kase madilim. And I don’t have glasses on. So Onnie opened the window. At nakita ko nga sya. Napaka gandang bata. Alam ko napansin nya na I was taking photos of her pero hindi din sya tumitingin sa akin. So i overheard convo nila habang inaabot ang 100 pesos.” Ayon kay Honey.

ONNIE: Wag mo na ibigay ang sampaguita, benta mo nlng ulit.

SAMPAGUITA GIRL: Okay lang po. Kunin nyo na para makauwi na ako.

And bigla na sya tumalikod.

(Pa flex lang  tatay namin 😊 Si Onnie talaga nakakaproud dahil napaka maka taong lansangan nya. Maniwala kayo sa hindi nakaka 20-100 lahat ng mangangatok sa window nya. Walang palya yan.)

So, dahil hindi pa din ako maka get over sa napaka pretty na bata. I asked Onnie ilang times na nya nakita. Naka ilang times na din daw. Minsan 11pm daw na pauwi sya andoon pa rin ang bata. May ulan or wala. Nasa kalsada daw. Parang na takot naman ako bigla for her. Ang dami loko loko kase tapos nasa kalsada pa sya ng ganoong oras.

So kanina, need ulit namin mag punta sa Cavite for my mother-in-law’s huling lamay. Mas maaga kame compared last night na almost 9:30pm na kame nakaalis sa bahay(Antipolo).

We saw her again, at naaninag ko nga sya ulit. Napakaganda nga nya pala talaga. Pero dahil very shy sya. Hindi ko na sya natanong pero I told her pictureran ko sya dahil napaka pretty nya. And she smiled. This time hindi nya na binigay sa amin ang sampaguita after giving her 100php. Alam na nya na matic na yun. Hindi namin kinukuha kase si Onnie hindi nya masyado gusto smell ng sampaguita. Masyado daw mabango 😊”

I can only pray na sana may family pa sya na gumagabay sa kanya. Hindi kase natin alam baka sa malayo ay naka bantay naman Mama or Papa nya. Na sana may bahay syang inuuwian after magbenta ng sampaguita. Na sana safe sya parati sa lansangan. Na wala sanang masasamang tao na mag tatake advantage sa kanya.

God bless you little girl!”

Kwento ni Honey Balasabas.

Sa mga oras na ito ay mayroon ng 33,000 shares at 84,000 comments ang naturang post ni Honey mula sa mga netizen.

Ano masasabi ninyo sa mala-artistang sampaguita vendor?

Loading...

Written by ADMIN

Hindi makapaniwala ang mga netizens sa ginawa ng mga drivers na ito sa matandang nagtitinda ng sorbetes.

Event Organizer reveals about the incident happened in Tacloban between Michelle Lhor Bana-ag and Super Tekla