in ,

Hindi makapaniwala ang mga netizens sa ginawa ng mga drivers na ito sa matandang nagtitinda ng sorbetes.

Malaki ang binago sa atin ng pandemiyang covid19 lalo na sa normal na mamamayan. Marami ang nabago, maraming nawalan ng trabaho, at marami ang pinagbawal.

Kaya nakakatuwa na makakita tayo na ang isang normal na mamamayan ay tumutulong pa din sa mga taong hirap na hirap sa kabila ng kahit ang mga taong ito ay nahihirapan din ngayon.

Katulad na lamang ng mga delivery rider na ito na hindi nagdalawang isip na tulungan ang isang matanda na matiyagang nalalako ng ice cream kahit umuulan.

Isang Patrick Mariano ang nagpost sa kanyang social media account, nagaayos daw ng kanyang bahay si Patrick ng makakita siya ng isang delivery truck na huminto sa harap ng kanyang bahay.

Loading...

Nang kanyang inobserbahan ang nasabing delivery truck, napansin niyang kaya pala ito huminto ay para tulungan ang matandang nagtitinda ng sorbetes sa gitna ng malakas ng ulan. Saad pa ni Patrick, inubos daw ng mga delivery rider ang paninda ni tatay para ito ay makauwi na at hindi na magkasakit pa dahil sumbrero at raincoat lamang ang suot ni tatay bilang proteksyon sa ulan.

Ayon din sa post, malaki ang pasasalamat ni Patrick at saludo siya sa Shalom Organic Fertilizer na siyang tumulong kay tatay.

Sa ngayon, maraming netizens ang nagreact at pumuri sa ginawa ng mga delivery rider na ito. Marami din sa mga netizens ang humanga kay tatay dahil sa kabila ng edad nito at sa sama ng panahon ay kumakayod at naghahanapbuhay pa din ito para kumita ng pera.

Ang ilan naman ay ngkumento na sana ay marami pa daw magpahatid ng tulong kay tatay dahil masyadong delikado para sa kanya ang mag gala upang magbenta.

Loading...

Faith in humanity restored.

Kanina habang nagliligapit ako sa kwarto, may nakita ako sa labas na delivery truck na…

Posted by Patrick Mariano on Tuesday, October 13, 2020

 

Ano masasabi ninyo sa mga delivery rider na ito?

Loading...

Written by ADMIN

Ginang na ayaw mag mask at nandura pa sa loob nang bus, puwersahang pinatalsik ng kanyang dinuraan

Sampaguita girl nagviral ngayon sa social media dahil sa taglay na kagandahan.