in ,

Angel revealed something about her Boyfriend Neil Arce’s plan her their future.

Malaki ang nabago sa plano sa buhay ng Movie Producer na si Neil Arce matapos mauwi ang kanilang friendship sa isang romantic relationship kay Angel Locsin.

Kung dati ay walang balak mag-asawa at magkaanak muli si Neil, handang-handa na ngayon ang film producer na magkaroon ng sariling pamilya kasama ang fiancée niyang actress-TV host na si Angel Locsin.

Febuary 2018 ng opisyal na pinahayag ng dalawa ang kanilang relasyon bilang magkasintahan

June 29, 2019 nang inanunsyo ng dalawa na sila ay engage na.

November 2020 naman ang nakatakdang kasal nina Angel at Neil.

Loading...

Pero dahil sa Covid19 ay napagplanuhan nilang ipagpaliban na lamang ito para sa kaligtasan ng lahat.

“It’s going to be moved to early next year,” sinabi ni Neil sa panayam ng Metro.Style.

Dagdag ni Neil, “We were thinking, ‘Should we do it small?’ But that’s not us, e. We’re friends, we have a group of friends.

“We want everyone to be there. We want everyone to have fun.”

Loading...

Sa interview na ito rin ay sinabi ni Angel na mas on-hand si Neil sa kanilang wedding preparations.

Actually, mas bridezilla siya,” sabi ni Angel tungkol sa fiancé. “Ako kasi, ‘Yes or no’ lang. ‘Okay o hindi.’ Ganun lang ako.”

Kung pagbabasehan natin ang excitement ni Neil sa kanilang kasal, masasabi nating nabago na nga ang plano sa buhay ng future groom, at handang-handa na itong magkapamilya kasama ng kanyang future bride.

Ito ay naikwento ng aktres na si Angel sa kanilang latest uploaded vlog kasama si Neil noong October 16.

Maituturing na authority sina Angel at Neil sa pagpapayo sa mga magkaibigang nagkaibigan.

Ganito kasi mismo ang itinakbo ng kanilang love story.

Ayon kay Neil, taong 2010 ng naging magbarkada sila ni Angel Locsin.

Magkasama ang dalawa sa grupo ng showbiz friends na kinabibilangan nina Bubbles Paraiso, Paolo Paraiso, Chito Miranda, at marami pang iba.

Pero after 7 years ng marealize nilang dalawa na more than friends pala ang kanila pagtitinginan.

Sa simula ay palabas labas lamang sila o dating.

Dagdag pa ni Neil, na may mga pagkakataon na si Angel mismo ang nagsiset ng date ni Neil para sa ibang babae.

Aminado naman ang dalawa na sa unang mga buwan ng kanilang pagiging mag boyfriend at girlfriend ay mayroon silang mga adjustments.

Naroon ang awkwardness, gaya raw noong unang beses silang nag-holding hands.

Naging advantage naman daw ang ilang taon nilang pagiging magkaibigan upang mas madali nilang pagusapan ang mga bagay na seryoso na tungkol sa kanilang relasyon.

Kabilang dito ang future plans nila, gaya ng pagpapakasal at pagbubuo ng sariling pamilya.

Sa vlog, inamin ni Angel na kinailangan nilang magkompromiso ni Neil sa ilang bagay nang magkasintahan na sila.

Noon pa man daw kasi ay alam ni Angel na wala sa isip ni Neil ang pag-aasawa.

Wala rin daw sa plano ni Neil na bigyan ng kapatid ang nag-iisang anak na si Joaquin Arce, 13.

Hindi naman ishinishare ni Neil ang katauhan ng ina ni Joaquin.

“May anak na si Neil,” sabi ni Angel. “Parang…ayaw niyang ikasal. Alam ko yun nung magkaibigan pa lang kami.

“Ayaw niyang ikasal, ayaw na niyang magkaanak uli.”

Ayon naman sa aktres na si Angel, naging masinsinan naman ang kanilang pag-uusap pagdating sa mga seryosong bagay.

“So, kinausap ko siya, na parang… inirerespeto ko yung desisyon mo, yung gusto mo sa buhay.

“’Alam ko iyan bago pa ako pumasok sa ganitong situation.

“’Pero papaano kung ako, gusto kong magkaanak, gusto kong mag-asawa?

“’Kailangan mong respetuhin din yung desisyon ko.’

“So pinag-usapan namin kung papaano. Kung ano yung magwo-work para sa amin,” kuwento ni Angel.

Loading...

Written by ADMIN

Jhon Lloyd Cruz and Bea Alonzo’s movie comeback will air soon

Netizens express concern over Xian Lim’s sudden weight loss