in ,

Zeinab Harake at BFF na si Melvin Protacio friendship over na!

 

Friendship over na umano ngayon ang dating mag bestfriend na si Melvin Protacio at Zeinab Harake,ito’y matapos umanong lokohin ni Melvin ang sarili niyang kaibigan.

 

 

Sinisiraan umano ni Melvin si Zeinab at gumagawa ito ng mga hindi makatotohanang kwento laban sa YouTuber na si Zeinab.

 

 

Ayon nga sa nilabas na salaysay ng manager ni Zeinab Harake na si Jhay Isidro,hindi na umano parte ng Team Zebby si Melvin Protacio matapos niyang lokohin si Zeinab pati na ang buong team.

 

 

Ayon pa sa kan’ya ayaw umanong magsalita ni Zeinab ukol sa isyung ito para mabigyan ng ikalawang pagkakataon si Melvin.

Loading...

 

 

Ngunit mas lalo raw lumalala ang nasabing isyu kung kayat kailangan nila itong iparating sa lahat upang malaman umano ng karamihan na hindi na konektado si Melvin sa Team Zebby at kay Zeinab Harake,kung sakaling may maloko pa itong ibang tao.

 

 

Sasampahan din umano ng kaso ng panig ni Zeinab si Melvin kung ito ay maglalabas ng kan’yang salaysay o kahit ano mang komento laban kay Zeinab na pawang kasinungalingan lamang.

 

 

Matagal na din ang pagkakaibigan ng dalawa.

 

 

Halos labing-isang taon ang kanilang pinagsamahan at nasira lang di umano dahil sa inggit.

Loading...

 

 

Kung matatandaan, isa si Melvin sa laging nagtatanggol kay Zeinab tuwin may kinakaharap itong issue.

 

 

Lalong lalo na ng umugong ang hiwalayang Zeinab at Skusta Clee, ang tambalang ZeiRyl na minahal din ng maraming fans.

 

 

Kamakailan lang nadawit ang pangalan ni Ryssi Avila tungkol sa mga damit ni Zeinab na ginamit nito.

 

 

Si Melvin mismo ang unang-unang nagtanggol sa dalaga, kaya naman hindi inaasahan ng lahat ang hidwaang ito ng matalik na magkaibigan.

 

 

Naglabas din si Zeinab ng kanyang statement ukol sa isyung ito.

 

 

Nasabi niyang 11 years ang nasayang dahil sa inggit at galit sa puso ni Melvin.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng kanyang statement si Melvin ukol dito.

 

Loading...

Written by AdmiN

Ivana Alawi gifts her editor an Iphone after making him cry with “Maldita prank”

Cristy Fermin slams Vice Ganda “Wag Kang Mayabang”.