in ,

Batang Ina binenta ang kambal niyang anak para makabili ng pinapangarap na cellphone.

Maraming mag-mag asawa ang nagaasam na biyayaan ng sariling anak. Ang iba ay kung anu-anong dasal na ang dinasal, kung sinu-sinong santo na ang tinawag, at kung anu-anong ritwal na ang ginawa mabiyayaan laman ng anak.

Ang luho ay isang materyal na bagay lamang sa mundo na hindi dapat pinaprayoridad. Madali lamang makuha ito. Pagtrabahuan, pagipunan at pagsumikapan. Ngunit anf inahin ito kesa sa pangangailang ng pamilya o anak ay hindi masasabing kanais nais na gawain.

May isang ina sa bansang China ang nagbenta ng sariling kambal na anak upang ipambili lamang ng branded cellphone.

Ang babae ay nakilala lamang sa kaniyang apelyido na Ma na naninirahan sa Cixi City, Zheijang Province, China. Siya ay maagang nabuntis at nasa 20-taong-gilang pa lamang kaya naman mayroon pa din siyang nararamdamang galit laban sa kaniyang mga magulang dahil umano sa pagiging iresponsable ng mga ito pagdating sa kaniya.

Loading...

Naisip ni Ma na ibenta ang kanyang kambal sa magkaibang presyo, ang isa ay 20,000 yuan o mahigit P140,609. Ang isa naman ay 45,000 o P316, 370.

Ayon din kay Ma, nagawa niyang ibenta ang kanyang kambal dahil kailangan niya umanong mabayaran ang kanyang credit card. Ngunit, ang halaga na pinagbenta niya sa mga ito ay sobra pa kaya nagawa niyang makabili ng bago at branded na cellphone.

Sa kabilang banda, ang ama ng mga kambal na kinilala lamang sa pangalan na Wu ay biglang lumitaw, hindi para awayin ang babae dahil sa ginawang pagbenta lung hindi upang manghingi ng parte sa perang napagbentaham ng kanilang mga anak dahil baon umano ito aa utang dahil sa sugal.

Isa din iyon sa mga dahilan kung bakit hindi niya magawang masustentuhan ang kaniyang mga-iina dahil nabaon na siya sa utang sa sugal.

Loading...

Dahil sa kanilang ginawa ay hinanap sila ng mga awtoridad at hinuli dahil sa pagbebwnta nila sa kanilang mga anak upang hindi na din pamarisan ng iba.

Natagpuan din naman kaagad ng mga awtoridad ang bumili sa kambal. Sa kasaluyan, ang kambal ay nasa pangangala na ng mga magulang ni Ma ngunit ang perang ipinambili sa kambal ay nagastos na nila Wu Nan at Ma.

Loading...

Written by ADMIN

Mga batang lansangan hinangaan ng mga netizens online, dahil sa ginawa ng mga ito

Ivana Alawi gifts her editor an Iphone after making him cry with “Maldita prank”