in

Maja Salvador nagsisisi nga ba sa paglipat sa TV5 network?

“We have one goal, ang magpasaya ng tao.”

Ito ang sinabi ng former Kapamilya star na si Maja Salvador sa ginanap na virtual presscon ng programa nila na “Sunday Noontime Live” na magsisimula ng umere sa Oktubre 18 sa TV5 mula sa Brightlight Productions at CornerStone studios.

Dito rin inamin ng aktress na kaya niya tinggap ang offer ng Brightlight Production sa kabila ng banta ng Covid 19 ay dahil sa studio naman ito gaganapin.

Alam niyang safe dito dahil sumusunod naman sa standard health protocols ang lahat at bukod dito ay mkakatrabaho niyang muli si Direct Johnny Manahan down to the staff.

Loading...

Sabi niya, “it’s 80-90% ng staff ang makakasama namin dito sa Sunday Noontime Live kaya wala bago sa aking gamay ko na ang lahat kaya walang adjustment na nangyari. Plus sa panahon ngayon marami ang nawalan ng trabaho na Kapamilya natin kaya bakit hindi ko ito tatanggapin.”

Natanong din kay Maja kung may pagsisisi ba siya sa pagalis nito sa “ASAP” na makakatapat ng kanyang bagpng noontime show na Sunday Noontime Live.

“Do i have regrets? Ang masasabi ko lang im very grateful at blessed na may Brightlight na magoffer sa akin and thankful kay Mr.M for trusting me.”

Magkakaron lang ako ng regrets kung sarili ko lang ang iisipin ko.
Mkakatulong ako sa pamilya ko ngayon.

Loading...

“I will always be grateful to ASAP dahil hindi ako makikilala sa pagsasayaw at hindi ako makikilala bilang Maja Salvador for 17 years kung hindi dahil sa ASAP.”

“For my ASAP family, naiintindihan nila lahat, hindi namana ako lalabas o gagawin ang show na ito kung hindi maayos ang paguusap ng lahat. Ramdam ko pamilya kami dagil ang pamilya iniintindi ang bawat pamilyang nangangailangan.”

“Forever ko pong babaunin ang lahat natutunan ko for the mean time naglambing ang tatay nating si Mr. M na sabi niya sa Zoom (meeting) namin na Maja, kailangan kita. Kaya gusto ko pong suportahan ang aking tatay.” Pagpapaliwanag ni Maja.

Sa kabilang banda, bukod sa singing and dancing ay maraming ipapakita ang “Sunday Noontime Live” sa mga audience na bagay na kailangang abangan. Sabi nga ni Donny Pangilinan ay very millennial ang show nila.

Bukod kay Maja at Dona, ay moapanood din sina Piolo Pascual, Jake Ejercito at Catriona Gray sa show.

Loading...

Written by ADMIN

Kim Chiu visited by a “tikbalang” while on set of ‘U-Turn’

RR Enriquez defends Angel Locsin against body-shamers