in ,

Estudyante halos maiyak na sa ‘stress’ sa dami ng module na tatapusin

Isang estudyante ang hindi maitago ang kanyang emosyon dahil sa dami ng module na kailangan niyang tapusin para maipasa.

Sa isang Facebook video na ibinahagi ni Claudine Julia Salazar Quilab, makikita ang bata na umiiyak at tila nagrereklamo na sa kanyang mga magulang dahil sa dami ng kanyang kailangang sagutan.

Dahil sa inis, naihagis na nito ang kanyang lapis at panay reklamo na sa kanyang ama.

Makikita din na hindi pumayag ang kanyang ama na siya ay huminto at kailangan niyang tapusin ito.

Loading...

“Kung umiyak ka, may maidagdag ba ito sa iyong mga sagot?” sabi ng ama ng bata.

Hanggang sa dulo ng video makikita ang bata na panay ang galaw dahil sa hindi na niya alam ang gagawin upang mapagbigyan ang kagustuhan ng kangang ama na matapos ang kanyang mga module.

Ayon sa uploader ay 11 na subjects/modules kada linggo ang kailangang tapusin ng bata ngunit binibigyan naman nila ng tamang oras ng pahinga ang estudyante.

Umabot lang naman ng 10,000 reactions at mahigit kumulang 24,000 shares and video na ito.

Loading...

Dahil sa pandemiyang covid 19, ang new normal para sa classess ay online or modules, at kailangang matapoa lahat ng estudyante ang mga modules na ibinibigay sa kanila ng kanilang mga guro. Ito ay magtutuloy tuloy hanggat imposible pa para sa atin ang face to face class.

ano ka kastress sa module mo? 11 subjects/modules per week 🙂P.S. may break time man siya, so kalma kamo 😂

Posted by Claudine Julia Salazar Quilab on Wednesday, October 7, 2020

May mga grupo naman na kontra sa desisyon ng Department of Education (DepEd) at sinabing sana’y sinuspinde nalang nila ang klase sa buong taon kaysa sa pilitin itong magpatuloy.

Isa ka din ba sa maraming estudyanteng nahihirapan sa new normal class? Nais namin marinig ang inyong opinyon at kumento ukol sausaping ito.

Loading...

Written by ADMIN

The husband is caught by his wife cheating with her cousin

Kim Chiu visited by a “tikbalang” while on set of ‘U-Turn’