in ,

Groom Nagalit sa Wedding Singer Dahil sa Hindi Napagbigyan ang request na 20 Kanta

Groom nagalit sa wedding singer sa kadahilanang hindi ito pinagbigyan sa 20 songs request.

Larawan ni Patricia Joy Peñano mula sa kanyang Facebook account, siya ay naging singer sa I Can See Your Voice TV show ng ABS CBN

Gamit ang isang social media na Facebook, idinaan ng isang wedding singer ang ang kanyang inis sa isang hindi kakilalang Facebook user na  nakakapanood umano sa kanya sa TV  at nag-alok sa kanya na kumanta para sa kasal nito.

Mababasa dito sa post ni Patricia na ang groom ay nagrerequest ng 20 na kanta sa araw ng kanyang kasal. Kahit na nahulantang ang singer sa dami ng request ay walang nagawa ito kung hindi pumayag na lamang.

Loading...

Nagulat na lang ang singer na si Pat sa bandang dulong mga message ng lalaki na siya pa ang nagalit.

Narito ang buong Facebook post ni Patricia:

Tbh matagal ko na gustong ipost to wala lang ako lakas ng loob.

Since may mga nagpost naman ng ganito so nagkaron ako ng lakas ng loob.

Loading...

Gusto ko rin i-share ‘to. Pero tinakpan ko yung pic at name ni Koya di naman ako ganon kasama para ipahiya siya sa social media.

Siguro nga uso ngayon yung pakapalan ng…

Sa totoo lang ang daming beses ko na na-encounter yung may magPPM sakin ng hindi ko kilala pero nirefer ng kakilala ko ganoyn! tapos kukunin sa ganito ganyan pero ngayon lang ako naka encounter ng ganitong tao. Knowing na hindi kami mag-kakilala.

Okay lang sana mag demand tayo pero wag sobra.

Sa totoo lang, nakakatawa yung mga ganitong tao. Penge po kapal ng muka.

I sing to EXPRESS not to IMPRESS. NOTE THAT. (Motto yan ng mga singers haha) Iyo na po ang followers mo ano gagawin ko jan? Magkakapera bako jan? Don’t get me wrong people, hindi sa mukang pera gaya ng sabi nung nagchat hahahahaha practically speaking ang pagkanta sa panahon ngayon pinagkakakitaan na. May mga bagay na dapat nating paglaanan ng pera, may utang na dapat bayaran at pagkain na dapat paglaanan. That’s why.*

Sobrang hassle kaya ng hinihiling ni Koya mo. 20 SONGS PARA LANG PASIKATIN AKO AT BIGYAN NG FOLLOWERS TAPOS PAKAKAININ PA DAW AKO SA RECEPTION JUSKO Muka po ba akong matakaw?MMMeMedyo lang naman hahahaha kidding aside pero di naman po makapal ang mukha ko.

Sana matuto tayong mag value ng bagay na ipinagkaloob ng Diyos. Matuto tayong mag value ng artists. Hindi biro ang maging isang singer.

Ps: Tinakpan ko yung name and picture for his own risk. Di naman ako ganon kasama para mamahiya ng tao.

Pps: Pinost ko po para lang aware tayo sa ganitong tao

Ppps: Wala na finish na

Si Patricia ay naging isang Secret Songer sa I Can See Your Voice TV show ng ABS CBN. Ang kanyang post ay nag viral na umabot na ng mahigit 3, 000 shares at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens.

Ano masasabi ninyo sa nangyari kay Patricia?

Loading...

Written by ADMIN

No Makeup photos of Lucy Torres makes the netizens “WOW”.

Pastor Apollo Quiboloy asked something to Bro. Eddie Villanueva about the airing of It’s Showtime on A2Z Channel