in ,

Pamilyang Aeta, Nakaranas ng pangmamaliit sa isang kilalang Bus Liner

Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming lahi, maraming katutubong lahi din ang natitira pa at nakikisalamuha sa atin ngayon, bagamat katutubo, ang ilang sa kanila ay [email protected], itinataboy o iniiwasa.

Gaya na lamang ng isang kilalang bus Liner na ito, na kung saan at tinanggihan isakay ang isang pamilya ng Aeta.

Ang mga Aeta ay kadalasang naninirahan sa mga bulubundukin, kaya naman hindi nila alam ang kalakaran sa Maynila. Ito ay nagiging resulta ng panloloko ng iba sa kanila, o kaya naman ay pagbabaliwala at pagiwas sa kanila.

Kamakailan lang, isang ganap sa isang Bus Station ang nagong viral sa social media. May isang concerned citizen ang nagpost ng isang pangyayari sa kanyang social media na kung saan may isang pamilya ng Aeta ang hindi pinasakay ng air-conditioned bus.

Loading...

Ininahagi ito ni Mikhael Petito sa kanyang Facebook account.

“Habang nagaantay ako ng Bus papuntang Pasay, napansin ko sila sa gilid ng shed may kausap na babae. Nacurious ako, lumapit at nagtanong kung saan sila papunta. Nalaman ko na sa Sta. Cruz, Pampanga lang daw sila at AYAW SILANG PASAKAYIN ng airconditioned bus? 2 bus na daw ang dumaan at timanggihan silang isakay.” Ayon kay Mikhael.

Makikita sa pamilyang ito na payak lamang sila, simple at may mga dala-dalang mga gamit. Tahimik sa isang sulok na nagaantay ng masasakyang bus ngunit hindi sila pinapayagan ng mga driver at kondoktor ng Airconditioned Bus na sumakay.

Sa kabutihang palad, natulungan naman daw umano ni Mikhael na makasakay sa isang mini bus ang pamilyang ito. At sa wakas ay mkakarating na sila sa kanilang paroroonan.

Loading...

Tinatawagan umano ni Mikhail Petito ang pamunuan ng Victory Liner Bus dahil sa nangyaring ito at pinaalalahanan sila na ang lahat ng tao, ay pantay pantay ang karapatan.

Masasabi nating isang pangkukutya o pangmamaliit pamilyang ito ang nagawa ng nasabing Bus Liner.

“Hi Victory Liner Inc.., may existing rules ba kayo na namimili ng masasakay?.”

Agaran namang sinagot ng nsabing Liner ang panawagan ni Mikahael sa inasal ng kanilang ilang empleyado.

” i agree with you, that all of the PUV’s should not select their passengers. All are equal and should be treated the same as the others. Aeta’s are also Filipino’s, are humas therefore they should be treated as one.” Sagot ng customer care Superintendent ng Victory Liner Inc.

Totoo, at dapat na hindi natin minamaliit o pinandidirahan ang mga katutubong lahi ng ating bansa. Dahil Pinoy din sila at ang iba ay mas nauna pa kesa sa atin.

Sana ay maging aral ito para sa ating lahat.

Loading...

Written by ADMIN

Netizen nagulat kung magkano ang kinikita ni Manong sa pagtitinda ng Lumpia

Jinkee Pacquaio’s Plant Impresses netizens “WOW!! May nanalo na!!”.