in

Ang ala-ala ni Ondoy, labing-isang taon na ang nakalilipas

SA ARAW NA ITO SA KASAYSAYAN, SETYEMBRE 26
Hagupit ng Bagy0ng Ondoy

Sa araw na ito noong taong 2009, ang Bagy0ng Ondoy (May pandaigdigang pangalan na Bagy0ng Ketsana) ay nagdulot ng malakas na buhos ng ulan sa Kalakhang Maynila at mga kalapit na lalawigan.
Sa loob lamang ng anim na oras ay tinatayang katumbas ng isang buwan na pag-ulan ang ibinuhos ng Bagy0ng Ondoy. Di bababa sa 400 ang nasaw! at bilyon-bilyong piso naman ang nasira sa imprastraktura at agrikultura.
Aabot sa 23 probinsiya ang isinailalim sa state of calamity, gayundin ang Metro Manila. Natatandaan pa rin ng ilan kung nasaan sila, ano ang ginagawa nila, at ano ang naramdaman nila nang dumaan ang Ondoy.
Kahit 11 taon na ang lumipas matapos ang hagupit ng bagyong Ondoy, nakatatak pa rin sa ilan ang pinsala nito.
Setyembre 26, 2009 nang dalhin ni Ondoy ang 341 milimetrong ulan.

Dahilan ito para bumaha sa ilang lungsod, anurin ang ilang sasakyan, at ma-stranded ang libo-libong tao.

 

 

Panahon pa ng ating mga ninuno, malaki na ang impluwensiya ng klima sa araw-araw na buhay ng mga Pilipino, mula sa ating mga gawain hanggang sa ating pagkain. Ngunit sa patuloy na pag-init ng mundo, kailangan ang mas matinding paghahanda at kaalaman dahil sa nagiging marahas na ang epekto nito.

Sobra talaga ang mga nangyari noon, pero ang ilang katanungan…natuto na nga ba tayo sa pangyayaring ito? Handa naba ngayon ang gobyerno natin kung sakaling mangyari ulit ang ganitong sakuna?

Meron naba silang intensive typhoon emergency plan? Hindi na kaya magtuturuan at magsisisihan ang mga opisyales ng gobyerno kapag pumalpak na naman ang mga rescue plans nila?

Hindi natin mapipigilan ang sakuna na dulot ng kalikasan, ang tanging magagawa lang natin eh maging handa para sa mga ganitong pagkakataon eh maiwasan ang pagbubuwis ng maraming buhay.

Ikaw anong kwentong Ondoy mo?

Loading...

Written by AdmiN

Isang babae dismayado sa Tattoo Artist dahil sa kinalabasan ng kanyang pinagawang kilay

Gerald Anderson left his fans in awe after sharing his father’s photo during his younger years