in

Isang babae dismayado sa Tattoo Artist dahil sa kinalabasan ng kanyang pinagawang kilay

Para sa mga nagbabalak magpatattoo ng kilay..
isang babae ang dismayado sa Tattoo Artista dahil sa kinalabasan ng kanyang pinagwang kilay

May isang netizen ang naglabas ng inis at sama ng loob sa kanyang Tattoo Artista sa kinalabasan ng kanyang pinagawang kilay.
Malaki umano ang kanyang pagsisi at pang hihinayang sa kanyang pinagawang kilay dahil sa hindi na nga magandang tignan, at ito
pa ay permanente na.

Dahil siguro “Kilay is Life” sa mga kababaihan, ninais ng netizen na ito na magkaroon ng magandang kilay. Nababasa naman sa usapan
nila ng Tattoo artist na magiging maganda ang magiging resulta, ngunit kabaliktaran ang nangyari.

At ang resulta, imbes na maging proud sa kilay ay samu’t saring pangungutya ang nakuha niya mula sa mga netizens online dahil sa kanyang kilay.

Loading...

Makikita sa mga pictures na ipinost ng netizen na ito ang hindi nga magandang resulta ng kanyang pagpapatattoo ng kilay.
bukod sa makapal, ay hindi din ito pantay. kabaliktaran ssa kanyang inaasahan.

Dahil sa palpak na resulta, sinubukan naman daw niyang kausapin ang Tattoo Artist na kanyang pinagawan ng kanyang kilay.

Sumagot naman ang artist at nagbigay ng kanyang dapat gawin na ipagpatuloy lamang ang paglalagay ng petroleum jelly sa kanyang kilay
upang mabawasan ang kapal nito.

At isa pa ay hindi pa naman daw tuluyang gumagaling o naghihilum ang kanyng kilay kaya ganito ang resulta. magantay lamang daw na gumaling at magiging manipis naman daw ito. Magtiwala at sundin lamang daw ang kanyang payo.

Loading...

Ngunit, ilang araw na daw ang lumipas at hindi pa din daw numinispis o nagiimprove ang kanyang kilay. Ganoon pa din daw ang itsura. walang pinag bago.

Ang dahilan naman ng Tattoo Artist kaya ganito ang naging resulta ay kagagawan din naman daw ito ng netizen dahil malikot ito habang isinasagawa ang pagpapatattoo.

Ayon din sa kanyang post, ang nasabing Tattoo artist ay binolock na siya kaya hindi na niya ito ma contact kaya ganoon na lamang ang kanyang
galit sa lalaki. Obligasyon daw ito ng artist kaya hindi daw niya ito dapat takasan o takbuhan.

Nagbanta na ang netizen na kapag hindi pa ito nakipagugnayan ay ipapahanap niya ito, at magsasampa ng reklamo kapag hindi ito inayos.

Ang Post na ito sa Facebook ay naging viral agad at sa ngayon ay may mahigit 9000 reaksyon. at nasa 20,000 shares na ito kaya mabilis itong kumalat at nagviral

marami man ang natuwa sa nangyaring ito sa kanya, masasabi nating isang panloloko ito kung hindi ito aaksyunan ng lalaking involve.

Loading...

Written by ADMIN

Ella Cruz once again accused pregnant by netizens.

Ang ala-ala ni Ondoy, labing-isang taon na ang nakalilipas