in , ,

John Regala shares the lesson he learn now that his gone through hard times

 

Ito pala ang aral na natutunan ng beteranong aktor na si John Regala sa kanyang naging buhay

Ang isang aktor o pagiging isang artista ay masasabi nating isa sa pinakamagandang klase ng trabaho. Bagamat hindi ito madali dahil maaaring hindi ka sumikat, o kaya naman ay mabigyan ka ng mga proyekto na sobra sobra. Kung maaiisip nating ang linya ng isang sikat na kanta “At ang lahat, ay may katapusan”. Lahat ng pangyayari sa ating buhay, mapamaganda man o masama ay paniguradong may katapusan.

 

 

Kaya sa panahon ngayon mapa artista man o hindi ay sinisigurado na ang kanilang kinabukasan at hindi lamang dumidepende sa kanilang pinaka pinagkukuhanan ng kita.

 

 

Kaya naman ang iba sa mga artista ngayon ay nagiinvest, o kaya naman ay nagtatayo ng sariling negosyo na kung saan ay maaaring pagkuhanan din nila ng dagdag kita.

Loading...

 

 

At ang iba naman ay hindi pinalad na gumawa ng ganito noon kaya ngayon ay bumagsak ang kanilang kabuhayan, gaya na lamang ng isang sikat na beteranong artista at kontrabida noon na si John Regala.

 

 

Masasabi nating talagang sikat na sikat itong si John Regala ng kanyang panahon, sa dami ng kanyang mga pelikula , tv shows ay masasabing sikat at naging marangya ang kanyang pamumuhay sa dami ng blessings sa kanya.

 

 

Ngunit ngayon nakakalungkot isipin na ang isang mayaman at matagumpay na aktor ngayon ay nasa isang mahirap na sitwasyon.

 

 

Noong mga nakaraang araw, naging viral itong si John sa social media dahil sa may mga larawan na lumabas na nagpakita ng kanyang tunay na kalagayan ngayon.

Loading...

 

 

May isang netizen na nagpost ng mga larawan na nagpakita ang bagsak na katawan ng aktor na halos hirap ng makilala dahil sa sobrang payat nito, nanghihinang katawan.

 

 

Kung ikukumpara dati, matipuno at malakas ang pangangatawan. Hirap na din siyang magsalita dahil ayon sa nagpost ay may iniinda itong sakit sa katawan. Nanghihina na daw ang tuhod ng aktor at noong kamakailan ay nahulog daw ito dahil nga sa kanyang nanghihinang mga tuhod.

 

 

Sinabi din na iniwan na daw siya ng kanyang asawa at pamilya dahil wala na daw itong pera, trabaho o kaya naman source of income.

 

 

Dahil sa post na ito, nagimbal at nalungkot ang mga netizen sa kasalukuyang sitwasyon ng aktor. Marami ang nagdadasal at humihingi ng tulong na netizen, na sana daw ay matulungan ang aktor ng dati niyang nakatrabaho na artista o kung sino mang may mabuting kalooban.

 

 

Kaya sa nangyaring ito, may natutunang mahalagang bagay si John, na dapat ay marunong tayong maginvest o magipon habang tayo ay malakas pa at may trabaho pa.

 

 

Dagdag pa niya, kahit marami siyang nagawang mabuti sa kapwa niya noon ay para bang hindi na ito naaalala ng mga taong natulungan niya noon lalo na ngayong walang wala na siya, kahit na mismo lng respeto na lamang ay hindi na din maibigay sa kanya.

 

Loading...

Written by AdmiN

Nadine Lustre and Alden Richards open to star in a movie together