in ,

Ramong Ang: “Kailangan natin totoong tumutulong, hindi yung bola!”. Panloloko umano sa gitna ng pandemiya.

Buong mundo ngayon ay humaharap sa napakahirap na pandemiyang c0vid19. Lahat ng bansa ay nahihirapang labanan ito.

Ayon sa inagurasyon ng C0VID testing facilities ng San Miguel Foundation sa Edsa, SI President at CEO Ramon S. Ang ay nagpatama sa mga taong gumagawa o nagpapagawa ng C0vid-19 facilities pero kakaunti lamang ang mga tinitest dahil umano sa kakulangan ng mga gamit.

“Sinasabi nila na yung RITM (Research Institute for Tropical Medicine), ang rated capacity ay 10,000 per day ang naprocess kahapon ay 70 percent. Kahanga-hanga ‘yun. Yung iba naman, rated capacity, kung 5,000 ang naprocess 2 percent lang,” sabi ni Ramon.

“Lahat sila kumikita sa gobyerno, lahat sila kumikita sa bayan pero puro pakitang-tao…”Yung swab booth, P1000 isa nun. Eh kung bibili ka ng 250,000 na swab kits, 250 million (pesos) yun. Yung swab (booth), pakitang-tao lang yun. Kailangan natin consumables. Kailangan natin swab kits. Kailangan natin totoong tumulong, hindi yung bola. Kailangan natin totoong tumulong, hindi yung bola.” sabi ni Ang.

Loading...

Aniya, ginagamit ng iba ang pandemiya upang kumita ng malaki, ang naman ay ginagamit ang health crisis upang pagandahin ang imahi nila.

Dahil sa kanyang mga isiniwalat, hinikayat ni Ramon ang Media na bigyan ng malaking pansin o coverage ang mga testing centers upang malaman ang mga individual ba pera lamang ang habol.

Ito ang magiging daan upang mabunyag sa publiko kung bakit ayaw ng mga Pilipino sa mga ganitong esting centers dahil umano sa sobrang mahal ng singil sa kanila.

“Kailangan imulat niyo yan sa taong-bayan. Who are the performers and who are not? Para mahiya silang lahat at mag-step up. So mga kababayan, sana po lahat tayo tumulong para matulungan ang mga mahihirap,” ayon kay Ramon.

Loading...

Dagdag pa ni Ramon, wala daw rason para pagdamutan ang kapwa Pilipino, Mayaman man o mahirap para sa Polymerase Chain Reaction (PCR) diagnostic test. Sa C0vid19 facility ng Sam Miguel Foundation, Ang resulta ay makikita kaagad sa loob ng 24 oras at ito ay nagkakahalaga lamang ng P2,000.

“Tingnan niyo, today, magpapatest ang ordinary na tao. First of all, may sakit na siya, hahanapan pa siya ng doctor’s prescription. Tapos saan siya pwede magpatest? Sa mamahaling ospital? P10,000, P5,000, P7,000,” ayon kay Ramon.

“Ang isang ordinary na tao, sa tingin niyo they can afford to pay 5 or 10 thousand for testing? Baka sabihin niya, “mas kailangan ko itong iuwi sa bahay para makakain ang anak ko. Di na ako magpapatest, mamatay na lang ako sa kalye,.. Ayon kay Ramon.

Loading...

Written by ADMIN

Main reason for Robin Padilla and Richard Gomez’s scuffle during the Star Olympics 1991 revealed!

Proud misis, pinakilala at pinagmalaki ang kanyang mister sa publiko.