in ,

Magkasintahan Napilitang Magpedicab Makauwi lang ng Sorsogon

Tayo ay nasa gitna ng pandemiyang c0vid19 na lubusang nagoahirap sa buong mundo. Kabilaan ang mgaquarantine at marami ang nawalan ng trabaho. Kaya maraming mamamayan ang nawalan ng hanap buhay.

Ang magkasintahang si Gina Cabalse at Rommel Balbona na naghahanap buhay bilang isang pedicab driver ay isa sa mga lubusang naapektuhan ng pandemiya.Sila ay nanunuluyan sa Caloocan, ngunit ng dahil sa pandemiyang ito ay nawalan si Rommel ng pagkakakitaan na ang masama pa nito ay siya ay may diperensya din sa kanyang paglalakad at paningin kaya hirap siyang makahanap ng ibang hanapbuhay.

Dahil nga tayo ay quarantine ng ilang buwan ang kanyang hanap buhay na pagpepedicab ay pinagbawal kaya wala silang pgkakakitaan sa kanilang lugar sa Caloocan. Kaya lalong naghirap ang buhay ng magkasintahang ito. Kaya napagpasiyahan na lamang nilang dalawa na bumalik na lamang sa kanilang probinsya sa Sorsogon.

Ang kanilang problema ay wala daw silang pamasahe pauwi ng Sorsogon kaya napagdisisyunan na lamang nila na gamitin ang kanilang pedicab at bumyahe mula Caloocan City hanggang Sorsogon na may layonh 548 kilometro.

Loading...

Lunes, June 29 ng umaga daw sila umalis ng Caloocan at sinumulan ang kanilang napakahabang biyahe. Hanggang makarating sila sa Muntinlupa at may makakuha ng larawan nilang dalawa. Nakuha daw kasi ang atensyon ng kumuha sa nilagay nilang karatula sa likod ng kanilang pedicab na may nakalagay na “Manila Caloocan to Bicol Sorsogon.Private by PWD”

Marahil ay sobrang naawa o nahabag ang damdamin ng netizen na kumuha ng larawan ng magkasintahan sa biyahe kaya pinost ito sa kanyang social media, at hanggang ito ay nagviral at marami ang nakabasa., ito ang dahilan kaya marami ang nagpaabot ng tulong ang mga netizen na nadadaanan nilang lugar.

Mga tumulong sa magkasintahan, Tau Gamma Phi  | Photo credit to the owner

At ngayong July 1, Miyerkules ay nakarating na rin ang magkasintahang si Rommel at Gina sa Sto. Tomas, Batangas at doon ay may isang grupo ng motorcycle riders ang nagmagandang loob na tumulong sa kanila na kung saan ay nagbigay ng kanilang makakain at hinila ng motorsiklo ang kanilang pedicab. Sa San Pablo Laguna naman ay may isang grupo naman ng isang kilalang grupo na Tau Gamma Phi ang ng volunteer umano na ihatid na gamit ang isang jeepney-type van at doon ay isinakay din ang kanilang pedicab.

Loading...

Nayroon din umalalay na mga motorcycle riders sa nasabing van hanggang marating nila ang Sorsogon,Bicol Ngayong Huwebes ng madaling araw.

Ayon kay Rommel ay plano daw nilang magkasintahan na magtinda na lamang ng isda at gulay gamit ang kanilang pedicab.

Taos puso din ang kanilang pasasalamat sa mga taong tumulong sa kanila upang makauwi ng ligtas sa kanilang probinsya.

Loading...

Written by ADMIN

Proud misis, pinakilala at pinagmalaki ang kanyang mister sa publiko.

Alex Gonzaga and Matthaios from battle rap to music collaboration