in ,

Mga Pinay na Nagpositibo sa C0vid sa Saudi Pinabayaan na ng kanilang Amo

Itong Corona virus disease o C0VID 19 ang krisis na hinaharap ng buong mundo ngayon. Sa buong mundo, Milyong milyong tao na ang tinamaan ng sakit na ito. Mapasimpleng mamamayan man o mayaman, frontliners man o hindi. Domestic workers o overseas workers.

Libo-Libo na ding OFW ang naitalang tinamaan ng C0VID 19. Ang ilan ay namatay na at kailangang ilibing agad kung saan malayo sa kanilang pamilya. Ang iba naman na nakauwi ng Pilipinas ay kinukutya o pinandidirihan ng kapwa Pilipino. Ang iba ay pinabayaan ng kanilang mga amo.

Sa Video ni Myra Oliveros Caturas makikita sa isang public group ng “Mga OFW sa USA”, mababasa ang caption ng original post mula sa Facebook page na Pinoy Ako “Tatlong pinay po positive sa c0vid19 Pinababayaan na sila ng amo nila dito po sa riyad sa San Fajr street exit 24 Al-suwtaidi nimar riyad city. Jats Talent Agency po agency sa pinas #PAKISHARE”.

Makikita sa video na ang isang babaeng Pinay na inaalalayan ng isang babaeng tila hindi na makagalaw dahil sa paninigas ng kanyang katawan. Makikita ding umiiyak ang babae dahil sa sakitt na kanyang nararamdaman,

Loading...

Sinabihan ng babaeng umaalalay sa kanyang kasama na mag relax. Ngunit, patulay pa rin sa pagiyak ang babae dahil sa hindi niya kaya ang sakit ng kanyang nararamdaman sa katawan.

Maririnig din ang kanyang sinasabi habang umiiyak ang “Diyos ko, ayoko pang mamatay.”

Nagpahayag ng mga kumento ang mga netizenz sa video na ito:

“There are not enough words to express the pain I feel for you my dear kababayans… I hope the Almighty God heals you with His miracle healing power… Dear God… free them from this unbearable sorrow… please dear Lord…”

Loading...

“Cooperate po at try everything kung ano dapat gawin na matalo nyo po ang virus, laban at lakasan nyo loob kahit masakit ang treatment at higit sa lahat have a strong faith to God, gagaling po kayo in Jesus name.”

“Sana matulungan sila ng embassy jan kawawa talaga ,Lord please heal them by your almighty power hands touch them oh Lord.pls pls pls I am calling your holy spirit.”

Sa ngayon ay mayroon ng itong 44k racts, 11k comment at 84k shares, at mahigit kumulang na dalawang milyong views.

 

😢😢😢Tatlong pinay po positive sa covid19 Pinababayaan na sila ng amo nila dito po sa riyad sa San Fajr street exit 24 Al-suwtaidi nimar riyad city. Jats Talent Agency po agency sa pinas #PAKISHARE

Posted by Pinoy Ako on Monday, June 22, 2020

Loading...

Written by ADMIN

Mga Tao Nagulat sa Laman ng itim na plastic natagpuang palutang lutang sa Dagat.

Beauty Gonzalez Clears Air With Netizen Who Questioned Her Police Ops Training