in ,

Food Delivery Rider di na nga binayaran ipinatapon pa ang mga Order na Pagkain sa kanya

Ang food delivery ngayon ay isang magandang trabaho lalo na sa gitna ng pandemiyang ito, Malaking tulong na din ito sa nakakarami dahil hindi na nila kailangan pang lumabas ng kanilang bahay para bumili ng mga pagkaen nila.

Isang Video ngayon ang viral ngayon kung saan makikita ang isang Food Deliver rider na pinupulot ang mga pagkaen na tila ay order sa kanya.

Ayon dto, may costumer daw na nagorder kay kuya rider na nagkakahalagang P800 pesos ng Chowking ngunit ito ay kinansela pagdating ni kuya rider sa address ni costumer. Ang dahilan daw ay natagalan si kuya rider sa kanyang pagdeliver kaya ito ay hindi na tinaggap at ang masama pa nito ay ipinatapon daw ito ni costumer. Makikita sa larawan na ito ay matiyagang pinupulot ni kuya rider isa isa ang mga pagkain na nagkalat sa kalsada.

Hindi lang pagod at oras ang nasayang kay kuya rider, Malaking kabawasan ito sa kita ni kuya rider sa kanya na matiyagang pinagtrabahuhan ni kuya rider.

Loading...

Masakit para sa rider na nagtiyagang pumila at bumiyahe sa initan na pagdating niya sa address ni costumer ay hindi ito tinaggap at pinatapon pa ito. Pagkain ito, marami ang nagugutom at nangangailangan ng pagkaen kaya ang pagpapatapon nito y isang malaking sayang. Nalugi na nga si kuya hindi pa niya ito makakain.

Maraming netizens ang nagalit dahil sa walang pusong ginawa ni costumer kay rider. Marami ang umangal at nagsabing dapat binayaran muna ang order bago ito ideliver. Ito ay isang proteksyon na din para sa mga food delivery rider.

UPDATE

Si costumer na nagorder ay nagbigay ng paliwanag dahil sa natanggap niyang napakaraming pambabash sa social media. ito ang translation.

Loading...

Good Eve sa lahat nag nag comment sa Food Panda Hindi ko po intension na manloko ng Tao higit na sa panahon Ito. Magcocomment nalang din po ako kasi nasasaktan na din ako sa mga sinasabi ng mga Tao. Kaya po eh explain ko po Yung nangyari noong una nag order ako pero nagloloading po at matagal yung net at data sa app, di ko po namalayan na naorder na pala iyon at nadalawa na pala yung order ko, noong dumating Ang inorder po namin may tumawag ulit di ko nalang pinansin dahil dumating na Yung order. Kung may mali po ako nanghihingi po ako ng pasensya sa Rider, kinontak ko na po siya at handa po akong magbayad sa kanyang pinang abono at nagpapasalamat din po ako sa nagpost po nito para mabigyang linaw ang lahat.”

kayo na po ang humusga, ano ang inyong masasabi?

Loading...

Written by ADMIN

Netizens couldn’t help but gush over Sofia Andres’s fresh looks during her labor time

Zoren Legaspi, Finally speaks about his wife Carmina and BB Gandanghari relationship