in ,

Pinay OFW, Pinagpalit ang walong taong pagkakaibigan sa isang pasalubong

Di nating maikakaila na tayong mga pinoy ay mahilig sa mga pasalubong at talagang inaasahan natin na makakatanggap tayo ng pasalubong sa ating mga kapamilya at kaibigang galing abroad.

Ngunit nakakalungkot lamang isipin, na may mga taong iniisip na porke nakapag abroad o OFW ka ay mayaman na o angat na ang buhay.

Ang masama pa nito, parang obligado silang magbigay ng mga branded at mamahaling bagay tuwing sila ay uuwi.

Ibinahagi ni Lynne Cherrie, isang OFW, ang kanyang nakakalungkot na kwento kung paano siya blinock sa social media ng isang malapit na kaibigan. Sa kadahilanang hindi niya ito nabigyan ng isang branded at mamahaling bag.

Loading...

Inalok naman daw ni Lynne ng ibang bags at nagpasa siya ng mga litrato na pwedeng pagpilian ng kaibigan niya bilang pasalubong. Balak sana bilhin ni Lynne ang mga ito at isabay bilang pasalubong sa kanyang paguwi.

Walong taon silang naging matalik na kaibigan. Sa katunayan, ay nagmessage si Lynne dito upang papiliin ng bag mula sa mga pinasang larawan, ngunit tumanggi ito at pinilit ang gusto na Gucci o MK na brand.

Maayos na ipinaalala ni Lynne sa kanyang kaibigan na iilan lamang silang kaya niyang mapapasalubungan dahil hindi rin naman ganun kalaki ang maiuuwing niyang pera. Ngunit imbes na magpasalamat, sinabihan pa si Lynne na “maarte” pagdating sa mga bag at tiyak na kaya niyang bilhin ang branded bag na nais nito bilang pasalubong.

Dagdag pa ng kaibigan niya na di niya gusto ang sling bag na nasa larawan. Kung hindi naman daw siya mapagbibigyan sa isang branded na bag ay isang pares ng sapatos na lamang daw ang kapalit.

Loading...

Dahil sa di inaasang reply ng kaibigan niya ay nainis si Lynne. Lahat ng pinasahan niya ng larawan ng pasalubong ay nasiyahan at na excite bukod lamang sa kanyang matalik na kaibigan.

Magkahalong galit at lungkot ang naramdaman ni Lynne dahil sa pangyayari. Hindi raw sumagi sa isip niya na ganung pangyayari. Dahil lamang sa isang pasalubong ay ganun na lang tinapos ng kanyang kaibigan ng walong taon ang kanilang pinagsamahan.

Pinayuhan ni Lynne ang kanyang kaibigan na subukang magtrabaho sa ibang bansa kung nais niyang makabili ng isang branded na bag upang malaman ang hirap ng isang OFW na kumita ng pera para sa kanilang pamilya.

Nakaranas narin ba kayo ng ganito?

Loading...

Written by ADMIN

Mga Residente Nagulat sa mga Seashells na Nagkalat sa baybayin ng Boracay

Liza Soberano finally speaks up about the cancellation of their teleserye ‘Make It With You’