in

Negosyante Isinawalat ang Panloloko at Prank ng isang Customer sa Kanila at Sa Rider

Sa ganitong panahon kung saan pinapatupad pa din ang community quarantine, malaki ang tulong para sa lahat ng tao ang pagpapadeliver ng kailangan mga pangangailangan sa pamamagitan ng iba’t ibang food delivery apps. Hindi mo na nga talaga kailangan lumabas para bumili ng pagkain, gayunpaman malaking tulong ito para sa mga delivery riders dahil hindi lamang sila nakakatulong sa iba kundi sa kani-kanilang pamilya.

Subalit hindi lahat ay mabuti para sa kanila may iilang customers ang nagpapadeliver na hindi kinukuha sa o madaling salita nantitrip lamang. dahil minsan kapag ang mga riders ay nakabili na ng kanilang mga orders biglaan naman nila ito kakanselahin. katulad na lamang ng isang post sa Facebook page na “Chacha Special Binalot sa Dahon” noong may 14 2020.

“Please share! Nadale po kami ng pancit canton! Para wala na po mabiktima ‘tong tao na to!,” panimula ng post sa naturang Facebook page. Kalakip ng post ang mga screenshot ng kumbersasyon ng may–ari ng negosyo sa customer na nag–”prank” lamang umano kaya umorder ng pagkain.

“Sa lahat ng nangyayari sa atin may ganito pa palang tao, pa–close na kami hinabol pa namin yung order niya kasi baka need nila talaga ng dinner sabi na din ng rider namin sayang daw ‘yan at last order na namin kahit medyo maambon hahatid daw niya. Hindi na naawa sa mga naghahanapbuhay kahit sa rider na gustong ihatid ang pagkain niya! Si Lord na lang bahala sa ‘yo!”pahayag ng may–ari ng negosyo.

Loading...

Ayon sa pag uusap ng customer at rider, mahigit kumulang isang libo ang inabot ang order ng customer, kahit patuloy ang malakas na ulan agad inihanda ng rider ang mga order at matyaga niyang hinanap ang tirahan nito. matapos nitong makita ang tirahan nakausap niya ang customer ang kinansela ang order at sabi na mag papancit canton na lamang sila.

Sa ganitong pagkakataon baliwala ang pagod at oras ng rider kung hindi nila kukunin ito, sinabi pa ng customer na “prank” lamang ang kanilang ginawa na pag order. na hindi nila makukuha ang order dahil kulang ang kanilang pera.

“Huwag sana ibalik ang masamang karma sa iyo at sa pamilya mo,” nasabi na lamang ng may–ari ng negosyo sa naturang customer.

Binahagi niya ang ganitong pangyayari upang bigyang babala ang lahat na sa kabila ng mga nangyayari sa ating bansa ay may mga tao pa rin talagang nagagawang manloko ng kapwa.

Loading...
Loading...

Written by ADMIN

Isang OFW sa Saudi Arabia malungkot na humihingi ng tulong, matapos mag Positibo sa C0vid

Inspiring Dream House Story Of A Gasoline Boy