in

Isang OFW sa Saudi Arabia malungkot na humihingi ng tulong, matapos mag Positibo sa C0vid

Humihiling ang pamilya ng isang overseas Filipino worker na si Caledonio Buendia Jr, ng tulong dahil ito ay kasalukuyang nag positibo sa C0vid-19 sa Saudi Arabia.

Pahayag ng anak nito na si Jhoy Buendia-Anciano ang isang video ng kanyang ama matapos nitong humingi ng tulong sa ating bansa dahil kailangan niya ng medikal atensyon doon. Napag alaman ng marami na raw silang natawagang ospital ngunit hindi ito tinatanggap dahil puno na umano ang mga ospital. at ang mas priority din raw ay ang mga taga doon.

Makikita sa video na tila naghahabol ng hininga ang OFW habang ito ay nagsasalita kaya mas mainam na agad itong madala sa ospital.

Labis ang pangangamba ng kanyang pamilya dito sa Pilipinas dahil wala silang magawang paraan bukod sa pag darasal.

Loading...

Nanawagan na din ang OFW sa mga taga embahada ng Pilipinas, Riyadh at Jeddah dahil wala daw embahada sa lugar kung nasaan siya ngayon.

Hindi niya maiwasang maging emosyonal dahil sa kanyang kalagayan at aminado siyang nahihirapan.

Sinabi din nito na sa tuwing ang kanyang lagnat ay tataas, pakiramdam niya na ano mang oras pwede na siyang bawian ng buhay. ganun pa man siya na din mismo ang gumagastos pambili ng kanyang mga gamot dahil hindi nag papaabot ng tulong ang kanilang kompanya. Lakas loob na din siyang gumawa ng video na nagbabakasakali na ito ay makarating sa kinauukulan ng bansa.

My FATHER IS COVID POSITIVE 😩Walang tumutulong sakanya Ospital o kumpanya na pinagttrabahuhan nya wala ang dami na naming natawagan sa saudi tinatanggihan sya puno daw ang ospital! Paano gagaling ang daddy ko? Kailan sya tatanggapin doon pag malalang malala na? 😔😓 Mahirap tanging dasal lang nagagawa naming pamilya nya! 😔 Sana makarating to sa mataas matulungan daddy ko sa saudi! ☹️🙏🙏🙏ISAMA NYO PO SA PAG DADASAL ANG DADDY KO! 🙏Celedonio Buendia Jr.0564754947King Fahad MadinaAfhras (Company)Address: AFRAS COMPANY HOSTEL

Posted by Jhoy Buendia-Anciano on Sunday, May 17, 2020

Loading...

Written by ADMIN

Isang Delivery Rider Naghayag ng Saloobin Matapos Maliitin Ang Kanyang Trabaho