Bakit ganyan trabaho mo? Nakapag college ka naman diba?
Kadalasan sa mga ganitong tanong ay hindi maiiwasang makasakit at makababa sa moral ng isang tao lalo na’t ganito lang ang kababa ang tingin ng mga taong nakapaligid sayo.
Sa panahong mas lalong naghihirap ang tao pahalagahan at pasalamatan natin ang ating mga frontliners kasama na din dito ang mga delivery riders na patuloy nag seserbisyon para sakanilang pamilya na kahit banta ito para sa kanilang kalusugan
Kahit malaki man ang tulong nila para sa ibang tao, karamihan sa iba ay hindi ito nabibigyan ng halaga, lalo na’t limitado ang galawa ng tao dahil sa C0vid-19 ay handa pa din silang gumawa ng paraan at makipag sapalaran maihatid lamang ang pangangailangan ng tao.
Kagaya nalang ng isang delivery Grab rider na ito kung saan minaliit ng kanyang kakilala matapos siyang tanungin ng kung bakit ito lamang ang kanyang trabaho at nakapag kolehiyo naman siya.
“Oh pre! Naggagrab kana lang pala? Diba college level ka naman? Bat jan ka bumagsak? Bata kapa diba? Dami pang trabaho mas better jan.”
Pahayag ni Brian, hindi naman gaano kadali at kasimple ang kanilang trabaho, dahil masaya sila dito at nasa puso nila ang kanilang trabaho. na kailan man hindi nila ito ikakahiya hanggat sa alam nilang wala silang tinatapakan at nilalamangan na tao.
“Anjan ang risk ng aksidente, mga fa’kebookings, sca’ms. Pero masaya kami at mahal namin to,” sinabi ni Brian.
“Oo bente anyos pa lang ako, daming mas magandang trabaho jan, pero pinili ko to dahil masaya ko dito ang mahalaga di kami nanlalamang ng ibang tao,” dagdag nito.
Hindi umano sila nanglilimos at nagdedemand na ma appreciate sila ng ibang tao dahil ang tanging mahalaga sa kanila ay nagtatrabaho sila ng marangal at kumikita sa maayos at malinis na paraan.
Paalala din niya sa mga kapwa delivery riders na wag nalang ito pansinin, na gawin na lamang motivation ang lahat ng batikos para sa kanila.
“Gawin na lang nating motibasyon ang kritisismo ng ibang tao satin, aangat din tayo,” saad nito.
“Kaya salamat sa mga taong kayang umunawa at tumangkilik sa ginagawa namin,” dagdag nito.
Umani ng paghanga at suporta mula sa netizens ang naturang post ni Brian.