in

Marcelito Pomoy Builds New House For An Elderly Woman Amid Lockdown

Sa pangalawang pagkakataon muling pinatunayan ni Marcelito Pomoy sa America’s got talent ang kanyang talento sa pagkanta at pinakita niya din ang galing na isang pinoy sa harap ng ibang lahi.

Gayunpaman, sa magandang boses na talento ni Marcelito pinagmalaki din niya ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Pilipino, Nag viral sa social media ang mga larawan na makikitang sira sirang bahay ng isang matanda na si Nanay Auro Verano mula sa Quezon province.

Sa kabutihan ni Marcelito sa mga kababayan taos puso niyang tinulungan ang matanda upang mapagawa ang bahay na sa loob lamang na apat na araw.

Sa unang araw ng pag gawa sinimulan ang pagsukat ng espasyo ng buong bahay, sumunod ang paglagay ng mga dingding at kinahulihan ang paglagay ng bubong. matapos matayo ang bahay para kay nanay Auro agad nila itong pininturahan ng kulay pula,

Loading...

 

Matapos ang pagpapatayo ng bagong bahay hindi pa natapos ang pagtulong ni Marcelito kay nanay Auro binilhan pa siya ng mga gamit sa bahay katulad na lamang ng kama,mesa, mga upuan at mga pangangailangan ni nanay sa pang araw-araw. sa huling araw ng pag gawa ng bahay inaayos lahat ng mga final touches para agaran itong matirhan.

 

Maging ang nag post na si Aiza Hernandez sa kalagayan ni nanay ay nagalak sa pagtulong ni Marcelito sa matanda, kaya naman ang post ni Aiza ay umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens. Sobrang lungkot ang naramdaman ni Aiza sa kalagayan ni nanay kaya naman sa simpleng tulong binahagi niya sa social media ang kalagayan nito. sinabi din ni Aiza na nanirahan si nanay Auro sa sira sirang bahay sa loob ng sampung taon.

Pagkatapos ng lahat ay nag bigay din si Marcelito ng relief goods para kay nanay at sa mga kapibahay.

Talaga namang napabusilak ng puso ni Marcelito hindi lang siya pwedeng ipagmalaki sa kanyang talento kundi rin sa pagiging mabuting tao.

Loading...

Kaya naman taos pusong pasasalamat ni nanay sa kabutihan ni Marcelito at pinuri din siya ng mga netizens dahil sa pagtulong niya kay nanay Auro at sa ibang tao.

Panoorin ang video:

Loading...

Written by ADMIN

Last Videocall Goodbye of A Filipino Frontliner In UK To His Family In The Philippines

Enchong Dee, Nagulat sa Reaksiyon ng Kanyang mga Kaibigan ng Manghiram siya ng PHP3M