in

Last Videocall Goodbye of A Filipino Frontliner In UK To His Family In The Philippines

Narito ang huling pamamaalam ng isang Pinoy frontliner sa kanyang pamilya na nasa Pilipinas.

Nagtrabaho kasi si Kenneth Lambatan bilang nurse sa London kasama na rin ng iba niyang kaibigan na kapwa Pinoy din.

Sa Research Department naka assign si Kenneth ngunit noong pumutok ang pandemya, na-deploy siya bilang isang frontliner na magbabantay sa mga pasyenteng may C0VID-19.

Ilang linggo matapos ang kanyang pagtatrabaho bilang frontliner, nakaramdam ng ilang sintomas si Ken tulad ng paglalagnat at ubo.

Loading...

Doon nga ay na confine sa ICH si Kenneth sa ospital na kanyang pinapasukan. Ayon sa kanyang kaibigan na si Via, 18 days siyang luamaban sa sakit.

Sa kasamaang palad, hindi kinaya ni Kenneth at oumanaw siya noong April 27.

Nakuhaan naman ng video ang huling pamamaalam ni Ken sa kanyang pamilya na nasa Pilipinas.

Sa nasabing video, maririnig na kausap ng ina si Ken at sinasabi na magkikita pa ulit sila. Ang madamdaming tagpo na ito ay dumurog sa puso ng marami.

Loading...

Hanggang sa marinig na ang monitor ni Kenneth na nag flat line.

Ilang araw din naka life support si Ken ngunit napilitan na silang tanggalin ito para hindi na siya mahirapan pa.

Sa isa pang video, nagkwento si Via na isa ding Pinay na kaibigan ni Ken mula high school.

Sinabi ni Via kung gaano kabuting kaibigan si Ken sa kanila. Pinayagan din ng ospital na makasama niya sa huling sandali ang kaibigan.

Sa kabilang banda, may oanawagan din si Via sa gobyerno ng Pinas maging ng United Kingdom.

Isiniwalat ni Via na kulang din sila sa PPE. Pakiramdam daw nila ay wala silang sariling bansa dahil hindi nila maramdaman ang support ng parehong gobyerno.

Para naman sa pamilya ni Kenneth, gumawa ng account sa gofundme sila Via para matulungan na maiuwi agad ang mga abo ni Ken sakanyang pamilya dito sa Pilipinas.

Panoorin ang video:

Loading...

Written by ADMIN

Kris Aquino Classy Answer To Netizen Who Questioned Her About ABS-CBN Shut Down

Marcelito Pomoy Builds New House For An Elderly Woman Amid Lockdown