in

Isang Lalaki Nakitang Namumulot ng mga Butil ng Bigas sa Kalsada Para May Maipakain sa Pamilya

Para sa karamihan ng mga Pilipino, ang bigas ay itinuturing na kanilang staple food o madaling kainin. Ang ilan ay hindi mabubuhay sa isang araw nang walang kanin. Sa paglipas ng mga taon, ang bigas ay naging mahal at hindi lahat ay kayang bilhin ito. Ngayong nasa gitna tayo ng isang krisis, maraming tao ang nakakaranas ng gutom.

Ang isa pang nakakalungkot na kwento para sa mga mambabasa. Isang lalaki ang nakita na namumulot ng mga butil ng bigas sa kalye. Ang lalaki ito ay walang alinlangan na pinulot ang bawat butil ng bigas. Naraming nagsasabihing, “Huwag mag-abala na kunin ito, marumi ang lahat.”

Ngunit ang taong ito ay naniniwala na ang pagkain pa rin nito para sa kanyang gutom na pamilya.

Isang residenteng nagngangalang Kasthuri Patto ng Batu Kawan, Malaysia, ang nakakita sa lalaki na namumulot ng mga butil ng bigas sa kalye sa labas ng kanilang bahay.

Loading...

Nalaman niya na ang lalaki ay isang foreign worker na hindi makapag trabaho dahil sa movement control order (MCO) sa Malaysia.

Ang lalaking ito ay walang sapat ng pera pambili ng pagkain para sa kanyang pamilya, nang nagkaroon ng pambili ng bigas ay ganito pa ang nangyari. Natapon ang dalang bigas sa kalsada, kaya naman sa awa ng residente tinanong niya ito kung bakit niya pa kinukuha.

“It’s okay, I can go back and wash it. It (the rice) is still edible,”  sagot nito.

Naawa si Kasthuri sanatunghayang ito kaya naman ibinahagi niya ang kwento ng lalaki sa kanyang social media.

Loading...

“Foreign worker or citizen, rich or poor, hunger hits us the same way. Let’s look out for each other to make sure no one is left behind.” post ni Kasthuri.

Maraming netizens ang naantig sa lalaking ito, kaya naman hiling nila na sana marami ang makatulong sa kanya. At magpaabot ng pagkain para sa kanyang pamilya.

Kaya naman para sa lahat ng makakabasa, matutong magpasalamat na may nakakain tayo sa araw araw, may nakukuhang pera at pagkain sa gitna ng krisis. Di gaya ng iba, na walang wala na talaga.

Loading...

Written by ADMIN

Isang Dalaga at Age of 21 Nagkaroon ng Sariling Bahay at Lupa sa halagang P6,000

WATCH: Mga Tao sa Turkey Nabahala ng Biglang Naging Kulay Pula Ang Tubig sa Ilog Matapos Ang Lindol