in ,

11 anyos na bata, nagpaka nanay sa dalawang kapatid matapos umano iwanan ng kanyang ina

Rhea Oraiz,  anak ng isang mangingisda taga Danapis Mangagoy, Basig City.

Si Rhea ay isang batang hindi nasilayan ang tunay na ina. Sanggol pa lamang siya ng iwan siya ng kanyang biologiocal mother sa kanyang ama na noo’y nakakulong pa.

Naging maayos ang buhay ni Rhea sa kanyang ama.

Kalaunan ay nagkaron ng bagong asawa ang ama, na siya namang tumayong ina ni Rhea. Dito nagkaroon si Rhea ng dalawang kapatid.

Ngunit ang inakalang magandang buhay na para kay Rhea ay napalitan ng panibagong dagok at mas malaking responsibilidad para sa bata.

Loading...

Ilang araw lamang matapos ang Pasok, ay yumao ang kanilang ilaw ng tahanan. Dito naiwan kay Rhea ang responsibildad bilang ina para sa mga kapatid.

Sa isang Facebook post ni Keiner Legazpi Espinol tungkol sa kwento ni Rhea, pinukaw nito ang damdamin ng maraming netizens.

Nagbakasali na mabigyan ito ng pansin at ma-feature sa Kapuso mo Jessica Soho (KJMS) ng GMA 7.

Naramdaman ni Espinola na kailangan niyang ibahagi ang kanyang kwento nang makita siya sa isang clinic isang araw. Dinala niya ang kanyang kapatid upang ipatingin ang ubo.

Nalaman ni Espinola na siya ang nag-aalaga sa kanila dahil sa pag kawala ng kanilang ina. At ang pagiging abandoned child nito.

Loading...

Kinilala ang tunay na ina ni Rhea sa pangalang Algie. 16 years old lamang daw ito ng mabuntis. Nagsama naman daw ang ang ina at ama ni Rhea ngunit nakulong ang ama noon at naiwan si Algie sa poder ng biyenan.

Ayon sa kwento, hindi naging maganda ang relasyon ni Algie sa lola ni Rhea na naging dahilan para lisanin ang bahay at iwan sa Rhea na noo’y walong buwang sanggol pa lamang.

Nang mapansin ng KMJS ang kwento ng bata, hinahanap nila ang biological mother ni Rhea.

At natagpuan nga ng buong team si Algie sa Tangub City, Misamis Occidental.

Tila successful naman ang ginawang tulong ni Espinosa para kay Rhea, bukod sa nafeature nga sa KMJS ang bata, nagkita pa sila ng kanyang tunay na ina. Bukod pa rito, may mga nag pabot din ng tulong kay Rhea na kanyang pinsan sa Dubai at nangakong pag-aaralin ito hanggang senior high school.

Hindi matimbang ang saya ni Rhea ng makita ang ina, gayundin ang mga tulong na natanggap mula sa mga taong nakabasa ng kanyang mapait na istorya.

Ang buhay ay masasabing walang kasiguraduhan. Yung akala mong maayos na ang lahat, ay biglang mapapalitan ng pait at hirap.

Ang mahalaga dito, ay handa tayong tanggapin ang mga bagay na ito, at buong tapang na haharapin ang bawat problema.

Gaya na lang ni Rhea, kahit na sa murang edad, tumayo siyang ina sa kanyang mga kapatid. Na dapat sana ay nakikipag laro at nag-aaral din siya gaya ng ibang ka edad niya.

Ang mga taong gaya ni Rhea, ay siyang lubos na nagtatagumpay sa buhay pagdating ng panahon. Agree po ba kayo dito?

Loading...

Written by ADMIN

Family’s Proud Epic Reaction After Their Eldest Child Passed 2019 Bar Exam!

Isang Dalaga at Age of 21 Nagkaroon ng Sariling Bahay at Lupa sa halagang P6,000