in ,

Judy Ann Santos, sinabihang ‘B0B0’ ng isang netizen matapos niyang maghayag ng sentimyento tungkol sa biglaang shutdown ng ABS-CBN

Tila, nawala ang atensyon ng nuong bansa sa pandemic na lumalaganap matapos ang biglaan pag anunsyo ng shutdown ng ABS-CBN.

Marami ang nabigla ng pumutok ang balitang agad na pinapa shutdown ng National Telecommunications Commission (NTC) and pinaka malaking network sa buong bansa.

Samu’t saring reaction mula sa mga netizens ang tila pumupuno sa social media ngayon. Marami ang nalungkot, nagalit, naiyak at meron din namang mga natuwa.

Kanya kanyang himutok ng mga celebrities ang pumukaw sa atensyon ng social media. Ngunit, ikinagulat ng lahat ang naging word war ni Judy Ann Santos sa mga pro-shutdown netizens.

Nagpahayag ang magaling na aktres ng pagkadismaya sa pangyayaring ito. Sa kanyang mahabang post sa  kanyang Instagram account,

Loading...

Nakakalungkot.. nakakapanghina… nakakatulala.. dalawang bagay ang hindi ko inakalang mangyayari sa buong buhay ko.. ang maranasan ang ECQ at magsara ang naging bahay at buhay ko mula 13 years old ako.. maraming mas dapat pagtuunan ng pansin sa mga panahong to.. maraming nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno.. maraming natutulungan ang kumpanyang bumubuhay sa puso ng mga tao sa panahong to sa pamamagitan ng mga programang pwedeng magpalibang at pansamantalang makalimutan ang mga problemang pinagdadaanan nating lahat… bakit po?

Kiniwestyon niya ang timing ng nasabing aksyon. Dahil sa gitna nga naman ng krisis, pinutol pa ang isa sa mga nakakatulong ng malaki sa mga mamamayang Pilipino ngayon.

Dagdag pa ni Juday, sana ay nagtutulungan na lang ang lahat sa panahong ito, at inuna na muna ang mga bagay na makakatulong sa ating mga pinagdadaanan.

Bakit ngayon?? Hindi po bang mas importanteng magtulungan tayo at magkaisa kahit pansamantala na muna habang may kinakaharap tayong mas malaking kaaway? Hindi po ba dapat sama sama nating ginagawa ang pwede nating maggawa para makapagsilbi sa mamayang pilipino??

Sa gitna ng pandemya, pinangunahan ng ABS-CBN ang malawakang fundraising program na “Pantawid ng Pag-Ibig.” Na sa ngayon ay nagtipon ng P350 milyon at naghatid ng relief sa 2 milyong mga Pilipino.

Hindi ko naiintindihan… kung may iilang tao ang nagbubunyi ngayon dahil nakuha at naggawa nilang maipasara ang abs cbn.. mas marami po kayong taong nasaktan at tinanggalan ng trabaho sa panahong lahat ng tao. ay nag aalala kung paano bubuhayin ang mga pamilya nila… maari po bang makahingi ng sapat na paliwanag??

Subalit, matapos ang post na ito ni Juday, ilang netizens ang nagreact sa kanyang mga sinabi.

Loading...

Isang netizen ang nagtag sa kanya at sinabihang siyang “bobo” at “madada”.

Kilala si Judy Ann bilang isang celebrity na hindi mapagpatol at sumasakay sa ibang issues sa loob o labas man ng shiwbiz. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi napigilan ng may bahay ni Ryan Agoncillo na sumagot. Nauwi ito sa tila isang word war laban sa ilang netizens.

Ang isa pang netizen ay nagsabi sa aktres na “no one is above the law” ngunit maging ito ay hindi pinalagpas ng aktres.

Narito pa ang ilang komento ng netizens na sinagot isa isa ni Judy Ann.

Huling napanood si Judy Anne Santos sa Kapamilya teleserye na Starla. Bagamat inamin na may love-hate relationship ang aktres sa network sa nananatili itong loyal sa Kapamilya network sa loob ng 27 years.

 

View this post on Instagram

 

Nakakalungkot.. nakakapanghina… nakakatulala.. dalawang bagay ang hindi ko inakalang mangyayari sa buong buhay ko.. ang maranasan ang ECQ at magsara ang naging bahay at buhay ko mula 13 years old ako.. maraming mas dapat pagtuunan ng pansin sa mga panahong to.. maraming nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno.. maraming natutulungan ang kumpanyang bumubuhay sa puso ng mga tao sa panahong to sa pamamagitan ng mga programang pwedeng magpalibang at pansamantalang makalimutan ang mga problemang pinagdadaanan nating lahat… bakit po? Bakit ngayon?? Hindi po bang mas importanteng magtulungan tayo at magkaisa kahit pansamantala na muna habang may kinakaharap tayong mas malaking kaaway? Hindi po ba dapat sama sama nating ginagawa ang pwede nating maggawa para makapagsilbi sa mamayang pilipino?? Hindi ko naiintindihan… kung may iilang tao ang nagbubunyi ngayon dahil nakuha at naggawa nilang maipasara ang abs cbn.. mas marami po kayong taong nasaktan at tinanggalan ng trabaho sa panahong lahat ng tao ay nag aalala kung paano bubuhayin ang mga pamilya nila… maari po bang makahingi ng sapat na paliwanag??

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday) on

 

Loading...

Written by ADMIN

Angelika Dela Cruz Reacts As Brngy. Captain Over Reported Tiktik Sighting In Malabon

Meet the Iconic Voice Behind the programs and announcements of ABS-CBN