in ,

Ito ang Nangyari Matapos gawin ang ‘Ipon Challenge’ na Nilagay sa Alkansyang Kawayan

Sa panahon ngayon isa sa problema ng tao ay ang pag iipon, ganun pa man hindi maiiwasan sa tao ang gumastos lalo na sa needs and wants.

Ganun pa man patok sa mga tao ang salitang “IPON CHALLENGE” karamihan sa tao kumukuha ng savings account at yung iba naman ay sariling sikap magtago ng pera gamit ang mga alkansya.

Isa sa patok na alkansya sa tao ang gawa sa Bamboo, ganun pa man may mga posibilidad na hindi ligtas ang mga papel na pera dito dahil ang bamboo ay pwedeng pasukin ng mga insekto katulad ng anay dahil ito ay kahoy.

Sa post ng isang Facebook page na “WALWAL” sinabi nitong ” Huwag maglagay ng perang papel sa bamboo na alkansya, Coins lang para di anayin.”

Loading...

Mula sa mga uploaded photos makikitang ang alkansyang bamboo ay binahayan ng anay, ang masaklap pa rito ang mga papel na perang dapat ay ipon nawalan ng halaga sa isang iglap dahil ang mga perang ito ay nasira gawa ng mga anay.

Sa hindi inaasahang pangyayari ang laman ng alkansya ay may mga halagang tag iisang libo at marami pang perang papel ang nasira dahil sa anay.

Pahayag ng isang netizen sa di inaasahang pangyayari ay inaanyayahan niyang wag na gawin ng iba ang mag ipon sa alkansyang gawa sa bamboo o anong mang alkansya na maaring bahayan ng insekto.

Dahil sa hangarin nating makaipon sa simpleng paraan baka ito pa ay masayang at mabaliwala sa isang iglap.

Loading...
Loading...

Written by ADMIN

Assunta De Rossi Is Expecting Her First Baby!

Mag Asawa, Nakatira sa Imburnal sa Loob ng 22-taon