in ,

85-year-old na Lolang naglalako ng paninda, hinarang sa checkpoint, naiyak na lang sa ginawa ng mga p0lice trainee

Hinangaan ng mga netizens ang ginawa ng isang p0lice trainee sa lolang naglalako ng paninda sa gitna ng lockdown.

Kabutihan ang pinamalas ng isang p0lice trainee mula sa Misamis Occidental dahil sa pagtulong sa 89 taong gulang na lola. Napag-alaman na nagsusumikap si lola upang may pangtustos sa kanyang pangangailangan sa araw-araw.

Sa Facebook post ng PSFTP 02-2019 Misamis Occidental team Oroquieta, hinarang sa checkpoint ang lola dahil sa pag papatupad ng enhanced community quarantine sa Barangay Paypayan Oroquieta City.

Ayon sa post, naglalako ng kaniyang panindang walis tingting ang matanda upang makakuha ng pangbili ng pagkain at pangangailangan sa pang araw-araw.

Isang p0lice trainee na nakilalang si Raymon Lendio na sumasabak ngayon sa Field Training Exercise – On The Job training ang humarang sa lola at agad niya itong pinaupo.

Nalaman ni Lendio na ang matandang ito ay walang kasama sa buhay at binubuhay mag-isa ang sarili.

Loading...

Sa kabutihang ng loob ni Lendio, naawa siya sa matanda na kilalang si Lola Maria Daque Calo.

Binili ni Lendio ang lahat ng paninda ni Lola Maria, pinakain at tumawag ng tricycle para maihatig si lola Maria sa kaniyang tirahan.

Bago umalis si lola Maria ay binigyan pa ito ng facemask upang maging proteksyon nito sa v!rus.

Sa simpleng pagtulong ng p0lice trainee na ito, ay nabuhayan ng loob ang matanda. Gayundin ang mga nankakita ng viral post na ito.

marami ang humanga at naantig sa ginawang ito ni Lendio, na sinasabing nasa puso talaga ang pagsisilbi sa ating mga kababayan.

Loading...

Ang viral post ay umani ng maraming reaksyon mula sa netizens. Marami angnagpahatig ng pagnanais na makatulong din kay Lola Maria. Ayon sa kanila, napakatatag ni lola Maria dahil sa kanyang edad ay nagsusumikap pa rin para mabuhay.

Hindi umaasa ang matanda sa iba upang matugunan ang kanyang pangangailangan. Bagamat delikado na para kay lola ang ganitong trabaho lalo na sa panahon ngayon.

 

 

Loading...

Written by ADMIN

From Garbage To Success After Receiving A Full Scholarship In Australia

Pag gamit ng Hair Dye Tila naging isang Bangungot sa Babaeng Ito.