in ,

Mag-asawang street vendor at construction worker nag bigay inspirasyon sa kalagitnaan ng krisis

Halos lahat tayo ay nabigla at hindi napaghandaan ang krisis na nangyayari ngayon. Pero may iilan na noon pa lang ay natuto ng maging handa.

Isa sa paraan ng gobyerno ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa buong Metro Manila. Kasama dito ang iilang malalapit ng probinsya, upang sugpuin ang pagkalat ng pandemic C0’vid-19

Nang dahil sa pagpapatupad ng ECQ, maraming tao ang nag papanic buying, mabilis na nauubos ang mga bilihin sa mga grocery gaya ng mga pangunahing pangangailangan sa pang araw araw.

Pangangamba man ang nararamdaman ng mga Pilipino, sa isang viral post ng netizen na si Neriedel Corod tila’y nagbigay sigla at pag asa sa iilang kababayan kung paano maghanda sa ganitong krisis.

Pahayag ni Neriedel Corod sa kanyang social media post, siya ay isang street vendor at kaniyang asawa ay construction worker lamang.

Loading...

Ibinahagi niya ang larawan ng kanilang mga stocks ng pagkain, hindi para magyabang, kundi para maghatid ng inspirasyon.

Sa kaniyang post pinakita niya ang kanilang mga stock ng pagkain o basic commodities na umani ng papuri mula sa mga netizens.

Ayon sa kaniya, hindi niya pinagyayabang ang kanilang naipon kundi nais niya lamang na imulat ang marami. Kahit na street vendor at construction worker ka lang. Ang bawat isa ay may kakayahang makaipon na gamitin ang pera sa tama lalo na’t sa ganitong sitwasyon.

Ganun pa man pasasalamat ni Neriedel kahit nagkakaubusan ng mga pangangailangan sa iilang tindahan, hindi siya nahihirapan. Dahil sa nakaipon sila ng maraming stock bago mapatupad ang lockdown.

Loading...


Nawa’y maging aral at inspirasyon ang ibinihagi ni Neriedel satin tungkol sa halaga ng pagtitipid at pag iipon maliit man o malaki.

Samantala, narito naman ang samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens.

Ayon nga kay Neriedel Codor “ipon muna bago luho!”

Loading...

Written by ADMIN

Netizens Nagulat sa Ginawa ng Frontliner na Ito sa Bagong Panganak na Sanggol

Kabutihan ng mga Batang Lansangan sa Gitna ng Kahirapan.