in ,

Kabutihan ng mga Batang Lansangan sa Gitna ng Kahirapan.

Hindi maitatanggi na sa bawat iba’t ibang lugar sa Pilipinas ay marami ang mga batang lansangan, kadalasan sa kanila ay walang maayos na tirahan o tuluyang inabando na ng kanilang pamilya.

Bagama’t ang panglilimos na lamang ang nagsisilbing pinagkukunan nila ng pambili ng kanilang pagkain, kadalasan minsanan pa silang makatanggap ng limos sa tao.

Ganun pa man nakakaawang makita ang mga batang ito dahil kung titignan mukang hindi pa sila nakakain sa tamang oras o sa tatlong beses sa isang araw, dahil sa hirap ng buhay nawawala sa kanila ang pag asang makapag aral tungo sa magandang kinabukasan.

Dahil sa kawalan ng pag asa, ang mga batang ito ay umaabot sa puntong nakakagawa na ng mali laban sa kapwa katulad na lamang ng pagnanakaw at pangdurugas para lang may pera sila na pambili ng pagkain sa araw-araw.

Loading...

Ngunit sa kabila ng hirap ng buhay may iilan pa din sa kanila ang mabubuting loob na hindi solusyon ang pagnakaw upang pa tugunan ang kahirapan.

Katulad na lamang ng isang viral post sa Facebook na umano’y nagkaron ng magagandang reaksiyon mula sa mga tao.

Pahayag mula sa netizen na si Xer Yoker sa kaniyang post, may dalawang batang lansangan ang nakapulot ng kaniyang wallet na naglalaman ng pera at mga importanteng id.

Nang dahil sa kagandahang loob ang dalawang batang lansangan ay hindi naisip na kunin ang laman ng wallet sa halip gastahin ang pera ay sinauli pa nila ito.

Loading...

Pahayag nila hindi sa kanila ang napulot na wallet kaya sinauli nila ito sa guwardiya.

Makikita sa larawang ito ang ngiti na may kagandahang asal at pabiro pa nila itong binalik “Kuya wala kami binawasan diyan”

Ayon sa guwardiya, mahigit isang libo at isang importanteng id ang laman ng wallet, mula sa id nakilala ang may ari ng wallet na nag ngangalang Malasig, Sherwin Ayag.

Dahil sa kabutihan ng dalawang bata marami sa netizen ang nagbigay ng magandang reaksyon at pagpuri.

Ang viral post ni Xer Yoker ay umani ng 6,000 reaksiyon, 700 comments at 8,600 shares.

Loading...

Written by ADMIN

Mag-asawang street vendor at construction worker nag bigay inspirasyon sa kalagitnaan ng krisis

Dahil sa L0ckdown, Hiling ng Isang Ama sa Huling Pagkakataon