in ,

Saudi national sincerely loves Pinoy, makes heart-warming video for our Pinoy nurses

Isang Saudi Arabian ang hinangaan ng mga Pilipino dahil sa kaniyang kabutihan at pagmamalasakit sa mga Pilipino.

Nadiskubre ang nasabing foreigner dahil sa kaniyang mga viral videos na nagpapakita ng pagmamahal sa mga Pinoy.

Ang Saudi Arabian ay nakilalang si Ahmed Alruwaili, 29, isang nurse sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia.

Nagsimula sa vlogging si Ahmed noong July 2019 upang magbigay kasiyahan sa ating mga kababayaan na Overseas Filipino Worker (OFW)

Ipinaliwanag niya ito sa kaniyang Facebook post.

Loading...

“The reason why I blog for Filipino is cuz I love Filipino, I always go to my OFW house here in Riyadh.”

Dagdag pa nito,

“They always treat me nice. The reason is cuz I want them to laugh cuz they deserve to laugh.”

Ang mga videos na kanyang ginagawa ay ina-upload niya sa kaniyang Facebook page na TheSaudipinoy at Youtube channel na Saudi Pinoy.

Gumagawa siya ng mga funny at entertaining videos upang maibsan ang paka homesick ng mga kababayan natin sa ibang bansa.

Hindi lamang nakakatawa ang naiisip nyang content sa kanyang vlog. Gumagawa din siya ng mga video na nagpapakita ng kasipagan at magandang attitude ng mga Pinoy OF.

Loading...

Sa kabilang banda, isa sa kanyang mga vlog ang lubos na kinagiliwan ng mga Pilipino.

Ito ay ang kanyang vlog na nagpapakita ng kanyang kabutihan at pagkilala sa ating mga Pinoy nurses sa Saudi.

 

Ang nasabing vlog ay umabot sa 2.4 milyon views, 54 thousand shares at 71 thousand reactions mula sa mga netizens.

Makikita sa video si Ahmed Alruwaili na nagbibigay ng mga bulaklak at mga pagkain sa mga Pilipino nurses.

 

Dagdag pa ni Ahmed, may isang Pilipino restaurant owner sa Riyadh ang nagbigay sa kanya ng discount para sa kaniyang mga binibili na pagkain para sa ating mga Pilipino Nurses.

Ang may ari ng nasabing restaurant ay humanga sa kabutihang taglay ni Ahmed sa mga Pilipino.

Sa dulo ng kanyang vlog, pinasalamatan niya ang mga OFW sa buong mundo lalo na sa mga Pilipino nurses na maituturing na isang bayanin dahil sa pag laban sa pandemic C0’vid-19.

“The reason why I made this video, is to remind ikaw about all the hard work that the nurses are doing all over the world. Especially the OFW nurses against this g*ag* C0ro’na v!rus. So we all need to pray and appreciate all the nurses for their hard work. The nurses now are the true hero, Talaga!”

Katulad na lamang ng mga ibang bansa isa din ang Saudi Arabia sa apektado ng C0’vid-19, pahayag ni Ahmed karamihan sa mga nurses doon ay mga Pilipino.

Ang bansang Saudia Arabia ay may malaking kakulangan sa mga professionals, mula pa noong 1973 hanggang sa ngayon.

Mahigit kumulang 6,000 na Pilipino nurses ang kailangan ng bansang ito ayon sa sa Ministry of Health mula sa taong 2009 hanggang 2011.

Noon 2018 ay muling humiling ang Saudi Arabia sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng panibagong tulong sa pagpapadala ng mahigit 1,000 nurse mula sa Pilipinas.

Nagpahayag naman si Ahmed ng kanyang pagmamahal at appreciation sa ating mga Pinoy nurses.

“I love them. I wish I was a Filipino.” 

Paglilinaw niya, siya ay pinalaki ng isang Pilipina OFW na nanatili sa kanilang pamilya na mahigit ng 18 na taon. Sinabi din niya na sa tuwing bibisita siya sa Pilipinas hindi niya nakakalimutang puntahan kaniyang Pilipina nanny.

Nais din niyang suportahan ang kaniyang kaibigang Pilipino upang makakuha ng pondo sa kadahilanang nagsara ang munting tindahan nito.

“When I go to PH, I go to province. I don’t go to city. To province with my OFW friends. Wala aircon. Only electric fan. Haha.”

Nagtungo siya sa probinsya ng kaibigan noong Agosto 2019 kasama ang kaibigang OFW at nalaman niyang ang lola nito’y ang may munting tindahan.

“Then I went to PH again in March 2020, then I was happy I want to buy from her sari sari store but it was closed cuz they didn’t have enough money.”

Inilahad din nito ang magandang plano para matulungan ito.

“So my plan, I will build them the best sari sari store when I go to PH, inshallah after 2 months. “Inshallah,”

Ang isa pang nakakaaliw dito, isa pa sa kanyang kahilingan kapag siya ay nakabalik sa Pilipinas ay makita niya ang kaniyang “lodi” sa pilipino term ay idol.

“My dream is to celebrate my birthday on June 2, with my lodi Vice Ganda in the Philippines.” 

Sobrang nakakatuwa si Ahmed Alruwaili, very Pinoy!

Loading...

Written by ADMIN

Sharon Cuneta Slams Ba’shers Questioning Her Relief Efforts With Husband Kiko Pangilinan

Check out Janice de Belen’s Gorgeous Home