in ,

Mayamang Ama, Pinatira ang Anak na Lalaki sa Isang Pamilyang Mahirap Para Turuan Ito ng Leksyon

Ang binatang si Dante ay lumaki sa yaman na hindi tulad ng kaniyang ama na lumaki sa hirap. Noon pa man ng dahil sa kasipagan nagsumikap ang kaniyang ama na makahanap ng magandang trabaho upang mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang sariling pamilya.

Sa pag angat ng kaniyang ama sa hirap nabigyan niya ng magandang buhay ang kaniyang anak na si Dante, kasabay ng kanilang pag yaman ang pagkakaroon ng mga magagarang kotse, masasarap na pagkain sa araw araw.

Namulat si Dante sa ganitong sistema ng pamumuhay sapagkat naisip ng kaniyang ama na imulat ang kaniyang anak na si Dante sa realidad kung anong hirap pinagdaan niya noon.

Pahayag na kaniyang ama na si Dante ay makikisama sa pangkaraniwang pamilya na walang magagarang kotse di tulad ng nakamulataan niya,

Loading...

Lumipas ang mga araw, kinamusta si Dante ng kaniyang ama kung ano ang mga natutunan niya sa pakikisama sa pamilyang iyon.

Ang sagot ni Dante sa tanong ng kaniyang ama ay malaki ang pagkakaiba ng pamilyang iyon sa kaniyang kinamulatan.

Pahayag ni Dante mayroong apat na aso ang mahirap na pamilya, ngunit si Dante ay may isang aso lamang bukod pa don mayroon din silang magagarang bulaklak sa garden at may malaking swimming pool sapagkat ang pamilyang mahirap ay nakatira lamang sa tabing ilog na patuloy ang pag agos ng tubig.

Wala silang mamahaling ilaw pero mayroon silang bituin na nagsisilbing liwanag sa dilim, wala rin silang magarang patio pero mayroon sila magandang kapaligiran at sariwa ang hangin dito tila’y malayo sa polusyon. Hindi rin sila bumibili ng mga pagkain dahil ang kanilang pananim ang pinagkukunan nila ng pagkain sa pang araw araw.

Loading...

Wala silang mataas na bakod bilang proteksyon sa kanilang tahanan pero mayroon silang mabubuting kapitbahay.

Laking gulat ng kaniyang ama na sa loob lamang ng isang linggo ay maraming natutunan ang kaniyang anak na si Dante mula sa pakikisama sa pamilyang mahirap.

Ganun pa man laking gulat ni Dante sa sinabi ng anak “Maraming salamat Papa, dahil ipinamalas mo sa akin kung gaano tayo kahirap.”

Hindi basehan ang pagkakaroon ng maraming pera at magagarang kotse sa pagiging mayaman ng tao sapagkat ang totoong kayamanan ng isang tao ay ang pagiging kuntento at ang pagpapahalaga sa mga bagay mayroon lamang siya.

Loading...

Written by ADMIN

Nurse Gives Food and Drinks to Homeless While on Way To Her Home

Silipin ang 500M Pinapagawang ‘Super Yacht’ Ni Manny Pacquaio sa Saranggani