in ,

Veteran action star John Regala Speaks Up On His Issues With Philip Salvador

Usap usapan ngayon ang nakatagong alitan ng dalawang magaling na action stars noon Dekada 80-90’s.

Sa kabila ng tahimik na buhay ng noo’y isa sa mga pinaka magaling at sikat na mga actor, ngayon ay tila nagimbal ang lahat sa sinasbaing ‘nakatagong issue’ sa pagitan nila.

Si John Regala, na nakilala sa pagiging kontrabida sa mga pelikula ay naglabas ng halos 12 minutong video. Ang video ay personal na kinunan ng actor.

Sa nasabing video, tila may pinapahiwatig siya na may pinaplano di umano ni Philip Salvador sa kanya.  Sinabi din ni John na maraming kaibigan si Ipe na malakas ang impluwensya at dito siya kumukuha ng lakas ng loob.

Matatandaan na nagkaroon ng alitan o hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni John at Philip pero hindi naman malinaw kung ano ang naging mitsa ng kanilang hidwaan.

Loading...

Ayon kay John, hinahabaan pa daw niya ang kanyang pasensya kay Philip at nagbanta na wag na daw sana umabot sa bagay na parehas nilang pagsisisihan.

“Ipe, hindi ka magtatagumpay. Hindi ko hahayaang matagumpay ka. Kaya ito, huling paalala ko sayo, na may kasamang pakiusap. Itigil mo na yang mga plano mo.”

Tila may pasaring naman si John na may ginagawa di umanong paninira sa kanya si Ipe. Dahil dito, mararamdaman mo ang diin sa mga susunod niyang sinabi.

“Ang mga plano mo sakin, na sirain ng sirain ang aking pagkatao, pagbintangan ako ng kung ano ano. Wag, dahil tinitiyak ko sayo Ipe isasama kita sa gusto mong pagdalhan sakin. Tandaan mo yan. pero titiyakin ko sayo na mauuna ka dun.”

Hindi naman nag deny si John sa naging buhay niya noon.

“Oo, inaamin ko naman na [email protected]@do ako nung araw. Dun sa kapwa katulad ko rin. pero nagbago na ko Ipe, binago na ng Diyos ang puso ko at ayoko nang bumalik dun. Sawa na ko”

Tila pagbabanta naman ang sumunod na lumabas sa bibig ng dating aktor.

Loading...

“Sawa na ko. Ngayon kung pinipilit mo na muli akong ibalik sa pinanggalingan ko, hinding hindi kita papatulan, dahil hindi kita ka-level.”

Nagbigay diin din si John na marunong daw siya rumespeto pero doon lang sa mga karapat-dapat na igalang.

“Lulubusin ko na ang paalala sa’yo… Meron pa isang paraan para maayos mo ang lahat ng ito, magbago ka.”

Sa puntong ito, tila pinapahiwatig ni John na dapat may baguhing ugali si Philip para sa kanya.

“Maging totoo ka, wag kang paibabaw,” pagpapatuloy nito.

Kinuwestyon din niya ang ‘paghawak sa salita ng Diyos’ ni Ipe na mariin niya ding sinabi. Sinabihan niya pa ito na mangilabot at magpakatotoo.

Sa kabilang banda, maaalala din sa isang interview ni Philip noong 2012, natanong ng isang showbiz insider si Ipe kung okay lang sa kanya na magsama sila ni John sa isang proyekto na kahit mayroon na silang issue noon.

“Oo. Hindi ba magkasama naman kami sa Asiong Salonga? “A, wala iyon [isyu], hindi pinapatulan yung ganun. Walang isyu sa amin ni John. “John has been a younger brother to me, I love him, I respect him. “He’s a very good actor. And I’m happy that he’s back. I’m really happy that he’s back. “And producers should give him more projects because he is one of our greatest actors here.”

Para naman kay Ipe, walang problema sa kanya na magkasama sila dahil tinuturing niya na nakababatang kapatid si John.

At ang mga isyu na katulad ng sa kanila ay hindi dapat bigyan pansin at patulan.

Dagdag pa niya, malaki daw ang respeto niya kay John at magaling din daw itong aktor.

Umani naman ng iba’t-ibang reaksyon ang naging video ni John at marami ang nag bigay ng komento. Tila naging palaisipan sa marami ang biglaang controversial video ni John.

Hanggang sa ngayon, wala pa din kalinawan kung ano ang kanilang naging alitan at kung kelan at saan ito nagsimula. marahil ay personal na issue ito sa pagitan nila.

Ano pong masasabi niyo?

Loading...

Written by ADMIN

Just In: Sylvia Sanchez and husband Art Atayde tested positive for C0VID-19

Ellen Adarna, finally answered on why she and John Lloyd Cruz broke up