in ,

CAUGHT ON CCTV: Manager of A Known Fastfood Chain Pulls Prank On His Employees

Isang cool na store manager, kinaaliwan sa social media dahil sa viral video na ito.

Lahat naman ata ng uri ng trabaho ay nakakapagod. Pero ang pagtatrabaho sa isang sikat na fastfood chain ay doble ang hirap at pagod lalo na kung madaming customers.

Sa isang store o establishment, ay nariyan ang manager upang gumabay sa kanilang mga employees sa pagtatrabaho.

Ang iba ay mahigpit sa patakaran habang ang iba naman ay good vibes lang kahit na ipinapatupad ang house rules.

Isang video ng isang sikat na fastfood chain manager ang nag viral kamakailan lang. Sa nasabing video, makikita ang lalaking manager na nakatayo sa likod ng dalawang babaeng crew.

Loading...

Kuha ito sa loob ng kanilang opisina kung saan ang lalaking manager makikitang may kausap sa telepono habang busy din naman sa kanilang ginagawa ang dalawang service crew.

Maya-maya pa, ang dalawang crew ay walang kamalay malay na pasimplenh kinakalabit ng kanilang manager.

Kapag lilingon ang mga ito, tatalikod ang manager at magkukunyaring walang alam sa nangyayari.

Lilingunin naman ulit ng dalawa kung sino ang kumakalabit sa kanila. Hindi nila alam na tila pinag titripan sila ng kanilang manager.

Loading...

Maya-maya pa, ay nahuli ng employees na tumatawa ito, at nabuking na siya pala ang nangungulit sa kanila.

Madami naman ang natuwa sa viral video na ito dahil nagpapakita daw ito ng magandang samahan sa loob ng branch store.

Para sa marami, mahalaga na magkaroon ng good relationship sa isang work place. Dahil ito ang susi sa magaan at smooth na pagtatrabaho ng lahat. Sabi nga sa isang kasabihan,

“Nananatili ang isang empleyado sa kanyang trabaho dahil, masaya sila sa kanilang work environment.”

Inulan naman ng iba’t-ibang reaksyon at komento ang nasabing viral post.

Watch the video here:

Loading...

Written by ADMIN

Simple lang ang bahay na Ito Pero Pag Pasok sa Loob ay Talagang Mamangha ka

Angel Locsin Admits Regretting Endorsing Koko Pimentel During Campaign Election