in ,

Mga Abandonadong Bahay Sa Japan Ipinamimigay Ng Libre Sa Kung Sino Mang Gustong Tumira

Mga abandonadong bahay for free sa Japan, kukuha ka ba kung taga dun ka sa lugar?


Marami ang nagnanais na magkaroon ng sariling bahay. Lalo na sa panahon ngayon dahil nagmamahalan na ang mga presyo ng mga lupain kahit saang bansa.

Ang Japan ay kilala sa pagiging mayaman at maayos na bansa. Madami din silang mga advanced na teknolohiya na talaga nga namang hahanagaan ng madami.

Pero alam mo ba na ang bansang Japan ay namimigay ng libreng abandonadong bahay sa kung sinong gusto tumira dito?

Ang mga ito ay tinatawag na ‘akiya.’ Ang salitang akiya sa Japan ay may ibig sabihin na bakanteng bahay.

Loading...

Inabandona na ang mga ito sa kadahilanang maliit lang ang populasyon sa mga probinsya kung kaya ay lumilipat sila sa siyudad dahil mas gustong manirahan ng mga Hapon doon.

Kinumpirma ng Ministry of Internal Affairs and Communication na may humigit kumulang 8.2 milyong abandonadong bahay sa Japan noong 2013.

 

Ang mga probinsya ng Wakayama, Koshi at Kagoshima ang nangunguna na may sampung porsyento ng mga bakanteng bahay.

May mga organisasyon na naniniwalang tataas pa sa trenta porsyento ang bilang ng mga abandonadong bahay sa kanilang bansa.

Loading...

Isa ding sanhi ang nakikita ng pagdami ng akiya sa Japan ay ang pagtaas ng populasyon ng mga matatanda. Karamihan kasi sakanila ay tumitira sa mga retirements homes kaya naiiwan na lang ang kanilang mga bahay.

Wala din mga batang gustong tumira sa mga ito dahil mas gusto nilang manirahan sa siyudad. Ang iba naman ay naniniwala sa pamahiin na kapag nagdadala ng masamang kapalarang ang isang bahay, hindi na nila ito tinitirahan.

Sa kabilang banda, nagbibigay naman ang gobyerno ng pera para matulungan kang iparenovate ang mapipili mong bahay.

Habang ang iba naman ay kailangan muna tirhan ng ilang taon bago mapasayo.

Loading...

Written by ADMIN

Naiyak si Mister ng Makita ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa CCTV pag Wala siya sa Bahay

Alamin Kung Paano Makakuha ng Tulong Ang walang Trabaho Galing kay Maine Mendoza