in ,

Fashion Designer, Tinawag na Terrorista at Kakasuhan Dahil sa Paghawa Nito sa Madaming Tao sa Isang Party

Halos kalahati ng mga kaso ng C0vid-19 sa Uruguay ay naitrace sa isang guest sa isang wedding party na nagdulot sa pagkakaroong ng infection ng 44 na katao.

Ayon sa ulat ng British newspaper na Daily Mail, nilalagnat ang fashion designer na si Carmela Hontou, 57, nang dumalo sa isang enggrandeng wedding party nitong March 7.

Kababalik pa lang noon ni Carmela sa Uruguay, mula sa Spain. Nasa 500 katao ang attendees sa party, na idinaos sa capital ng bansa, ang Montevideo.

Iniulat ng Uruguayan health authorities na 44 na dumalo sa wedding party ang kumpirmadong nagpositibo sa C0VID

Loading...

Sa isang interview kay Carmela ng Argentinian news site, nagpahayag siya ng pagkagulat sa paninisi sa kanya ng marami sa biglaang pagdami ng C0VID-19 cases sa Uruguay.

‘They are saying I’m a terr0rist who brought the virus to k1ll everyone.’

Ayon sa media reports, posibleng makasuhan si Carmela ng paglabag sa Article 224 ng Penal Code ng Uruguay dahil sa “spreading of contagious diseases.”

Ipinagtanggol niya ang sarili sa pagdalo sa kasalan. Hindi man direkta, itinanggi niyang sa kanya nanggaling ang virus sa party.

Loading...

Ayon kay Carmela, nakipag-lunch pa nga siya sa kanyang 84-anyos na ina pagdating niya galing sa Spain.

Kuwento pa ng designer, kinabukasan, pagkatapos ng wedding party, pumunta siya sa isa pang lunch “where there were also a lot of people.”

Ibinunyag ng designer na una na siyang bumisita sa Madrid, Spain noong January. Pagdating sa Uruguay, ay nilagnat si Carmela ng aabot sa 41 degrees. Nang tanungin niya ang doktor tungkol sa posibilidad na may C0VID siya, binalewala lang umano nito ang kanyang pag-aalala.

Dahil sa takot niyang mahawahan ng virus ay nagsuot siya ng face mask nang bumalik siya sa Spain noong February 22.

Pangatlo ang Spain sa may pinakamaraming naitalang kaso ng C0VID-19 sa mundo, kasunod ng China at Italy.

Loading...

Written by ADMIN

Alamin Kung Paano Makakuha ng Tulong Ang walang Trabaho Galing kay Maine Mendoza

FINANCIAL SUPPORT: Congress to give 5-8K financial assistance to poor households during the ECQ