in ,

LOOK: Single Mom Officer Plead Everyone To Stay At Home So She Can Her Son Again

.Isang single mom na police officer may pakiusap sa mga tao para sa kanyang anak.

Nakakalungkot isipin bilang isang magulang sa tuwing malalayo sa anak dahil kailangan magtrabaho.

Ito ang nararamdaman ngayon ng isang babaeng pulis matapos siyang maatasan magbantay sa community quarantine checkpoints.

Siya si Renelie ‘Ren’ Palma, 33, isang Police Staff Sergeant na na-assign sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ibinahagi niya na alam niya nang ipapatawag siya para tumayong isa sa mga frontliners. Kaya naman dinala niya na agad ang kanyang anak na 4 na taon gulang pa lamang sa kanyang mga magulang.

Loading...

Dinala niya si Raine sa kanyang mga magulang na naninirahan sa labas ng Metro Manila sa paninigurado na ligtas ang anak mula sa kumakalat na virus.

“It was heartbreaking,” aniya.

Sa tuwing papasok daw siya sa trabaho, sinasabi niya lang daw na kailangan iligtas ang mga baby mula sa mga masasamang tao, katulad ng napapanood niyang palabas na Paw Patrol na isang cartoon.

Tinitiyak naman daw niya na uuwi siya agad subalit iba daw ngayon, dahil alam niyang aabutin siya ng halos isang buwan bago muling makasama ang anak.

Loading...

Sa ngayon, nakakapag-usap lang sila ng kanyang anak sa telepono . Pinapauwi na daw siya nito pero sinasabi niya na masyado daw malakas ang virus kaya hindi siya makauwi.

Sinisigurado niya din na ligtas ang anak sa disease kaya sinasabihan niya ito na mag hugas ng kamay dahil lalapitan siya ng virus kapag naamoy ang madumi niyang kamay.

Marami ang naantig sa kwento ni Ren dahil pagiging ulirang single mom at tapat na tagapagligtas ng mamamayan.

Kaya sa mga kapwa Pilipino, sundin na lamang ang pinag-uutos ng pamahalaan. Dahil bawat isang tao na nagtatrabaho para sa kaligtasan natin, may isang anak ang nangungulila sa kanyang ina.

Loading...

Written by ADMIN

Sandy Andolong gave an update about husband Christopher de Leon condition

Naiyak si Mister ng Makita ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa CCTV pag Wala siya sa Bahay