in ,

LOOK: Mayor Isko Moreno Roam Around Manila To Implement Curfew Hours

Mahigpit na ipinapatupad ang lockdown o community quarantine sa buong Luzon.

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga city Mayor at iba pang kasapi ng local government na mahigpit na ipatupad ang mga curfew sakanilang lugar.

Para na din ito sa kaligtasan ng lahat dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Isa si Mayor Isko Moreno ang naging maingay ang pangalan matapos niyang gampanan ng maayos ang kanyang katungkulan bilang Mayor ng Manila.

Loading...

Hindi katulad noon, nagkaroon ng malaking pagbabago ang Manila. Mula sa kalinisan ng mga estero, public parks, at maging ng kalsada.

Mayroon official page ang Manila kung saan nag uupload sila ng mga video ng kanilang mga proyekto at araw-araw na pagsasagawa para maayos muli ang siyudad.

Isa na sa mga viral video nito ang recent video kung saan makikita si Mayor Isko Moreno sakay ang isang police patrol car.

May mga kasama siya sundalo at assistant. Si Yorme ay nakaupo katabi ang driver at hawak ang isang speaker.

Loading...

Kagaya ng ginagawa ni Yorme Isko Moreno, matiyaga niyang sinusuyod ang malawak na lungsod ng Manila.

Ngayon, mas nag higpit siya sa curfew dahil sa banta ng COVID-19.

Makikita na mayroon oa din mga tao sa labaa kasama na dito ang mga taong pauwi pa lang ng trabaho, at mga tricycle drivers na nagbabakasakaling magkaroon ng pasahero.

Ngunit dahil sa enhanced community quarantine, pinagbawalan na din ang lahat ng public transportations.

Kaya pinapauwi ni Isko lahat ng makikita niya namamasada pa. Ang iba naman ay naabutan pa ding nakatambay sa labas kaya pinagalitan ni Yorme at inutusang umuwi na.

May nadatnan din siyang mga Barangay officials na mahigpit ding nagbabantay sa mga kanto para masigurado na walang lalabag sa community quarantine.

Marami ang humahanga kay Isko dahil sa tapat at dedikasyon niya sakanyang tungkulin.

Loading...

Written by ADMIN

‘Lahat talaga apektado’ Mga Pulis at Sundalo Ginawang Tulugan ang Kalye, Kinaawaan ng Marami

Angel Locsin, lashes out to seller who sells overpriced face masks